LOVE 12: WHAT I HATE AND LOVE ABOUT HIM

17.9K 306 6
                                    

LOVE 12: WHAT I HATE AND LOVE ABOUT HIM

 

CAMILLE's POV

"Four-eyed monster!!!!!"

Para akong nastiff sa narinig kong boses na yun. 

Umalis ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Jonas. Nagtataka naman si Jonas na nakatingin dun sa lalaking nagsalita.

"Kilala mo ba siya?" tanong ni Jonas sa akin. Hindi pa ako humaharap kay dhie dahil alam ko na kung paano siya makatingin sa mga oras na to.

"Kilalang kilala niya ako at ikaw ang hindi ko kilala!" malakas at matigas na pagkakasabi ni dhie

Nakalapit na siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya.

"Dhie, mageexplain ako."

"Explain? Sige, sabihin mo sa akin ngayon kung bakit ka yakap ng taong yan? Sino ba siya?" galit nga siya ( _ _) Ako rin naman magagalit kung makita kong yakap siya ng iba, kaya naiintindihan ko kung bakit siya ganyan ngayon.

"Siya kasi si---"

"Ako si Jonas, kababata ni Cams. Ikaw siguro ang boyfriend niya." sabi ni Jonas sabay offer ng handshake kay dhie

"Ako ang fiance niya at wala akong balak makipagkilala sayo." tsaka na siya tumingin ulit sa akin

"May paguusapan pa tayo." sabi niya sabay lakad na palayo

"Jonas, aalis na kami. Pasyensya na." sabi ko tsaka na sumunod kay dhie

Hindi naman pwedeng hindi ako magpaliwanag ng maayos lalo na at ganun eksena pa talaga ang nadatnan niya.

"Dhie, saglit lang naman!"

"Hintayin mo naman ako!" kanina ko pa siya tinatawag pero hindi siya lumilingon o humihinto man lang

"Dhie, hintayin mo naman ako!"

"Aray!" naman! Bakit kailangang ngayon pa ako matapilok? Ang ganda naman ng timing nito. >__<

Ang sakit tuloy. Tinignan ko lang si dhie habang patuloy sa paglalakad niya. Ni hindi man lang niya ako tinignan. ( _ _)

"Cams, okay ka lang ba?" bakit nandito si Jonas? Sinundan niya ba kami?

"Okay lang ako." pinilit ko nalang ngumiti pero ang totoo, masakit naman talaga.

Halatang nagaalala siya sa akin tapos tsaka siya tumingin kay dhie na medyo nakalayo na at hindi ako napansin.

"Walang kwentang lalaki!" sigaw bigla ni Jonas

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon