LOVE 30: WHO IS HE?

17.1K 277 33
                                    

LOVE 30: WHO IS HE?

 

CAMILLE's POV

 

Sobrang gaan lang ng pakiramdam ko ngayon at ramdam ko rin ang excitement ko sa pagpasok.

"Bessy!" tawag ko kay Chelsea na napaharap sa akin dahil sa pagatawag mo sa na yun

"Makatawag ka dyan ha!" sigaw niya sa akin pero nginitian ko lang siya sabay takbo palpit sa kanya at binigyan ko siya ng mahigpit na yakap

"Nakakamiss ka pala bessy." sabi ko sa kanya na may halong paglalambing

"Ganyan ba ang nagagawa ng nalalasing?" biro niyang tanong sa akin

"Ganyan ka naman bessy, nanlambing lang naman ako. Ang arte pa ha." sabi ko sa kanya pagkaalis ko sa pagkakayakap

"Aray!" sabi ko sabay hawak sa buhok na biglang hinila ni Chels

"Sira ka talaga! Kailan ka pa naging lasenggera? Kailan ka pa natutong uminom ha?!" sita niya sa akin habang nakapamewang. Sa totoo lang, natatawa ako kay Chels kasi naman ganyan na ganyan ang sinabi niya sa akin nung tinawagan niya ako.

"Yung totoo bessy, unlimited ba yang line mo na yan? Ikaw ba may gawa ng script mo?" natatawa kong tanong sa kanya

"Heh! Pasaway!" sabi niya tsaka kami nagtawanan

Matagal ko na rin di nagagawa ang ganito. Yung tumawa ng totoo dahil sa walang problema. Tumatawa ako dahil totoong masaya.

Maya-maya lang nagstart na ang klase namin. Kanina pa ako inaasar nitong si Chels na masyado daw yata akong attentive at umaapaw daw yata ang kasiyahan ko. Loka talaga tong si Chels.

After namin sa klase, diretsyo agad kami sa cafeteria, pero hindi pa man kami nakakarating sa cafeteria nang maalala kong may gusto pala akong kainin ngayon.

"Bessy, sa labas nalang tayo kumain." sabi ko kay Chels habang naglalakad kami

"Saan naman? Nandito na tayo, kaya dito nalang."

"Looks like maganda ang gising mo ngayon." napalingon naman ako sa nagsalita na yun tsaka ko siya nginitian

"Jake!" sabi ko sabay lapit sa kanya at tsaka ko siya hinampas sa braso "Bakit hindi mo ko tinawagan nung weekends?"

"Namiss mo ba ako?" makulit niyang tanong sa akin with matching cute smile pa

"Syempre naman, namiss ko ang pagpapacute mo!" sabay pisil ko sa magkabilang pisngi niya

"Bumalik ka na nga sa normal. Ang sakit!" sabi ni Jake na hinawakan pa ang pisngi niyang kakapisil ko lang

"Hoy bessy! Sa cafeteria nalang tayo ha?" sabi ni Chels

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon