LOVE 37: TOTALLY CONFUSED

17.7K 291 19
                                    

LOVE 37: TOTALLY CONFUSED

 

CAMILLE's POV

Hindi ko naimagine na makakausap ko ng ganun si Gelo. Kahapon para kong nakita nanaman si Suarez sa kanya, pero mas nangingibabaw na sa akin ngayon ang katotohanang wala na siya, kaya naman naenjoy kong makausap siya. Ang aking bagong kaibigan na si Gelo.

"Mukhang mas lalo ka yatang gumaganda." napalingon naman ako sa nagsalita. Si Jake yun na nakangiting nakatingin sa akin sabay kumaway pa.

"Lakas mong mambola." sabi ko sabay ngiti sa kanya

Lumapit naman siya sa akin "Bakit nag-iisa ka dito? Nasaan si Chelsea?"

"Kasama niya sina Andrew tsaka alam mo namang mas gusto ko kung minsan ang mag-isa."

"Alam mo ikaw, umiiral nanaman pagkaloner mo." sabi niya sabay pisil sa magkabila kong pisngi

"Makapisil naman!" reklamo ko ng inalis niya habang nakahawak sa magkabila kong pisngi na tingin ko ay namumula ngayon

"Hahaha! Ang ganda mo na nga. Ang cute mo pa!" nakuha pa akong tawanan nito

"Pinagtatawanan mo nanaman ako." sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya

"Halika nga dito." pagkasabi niya nun bigla niya nalang akong niyakap

"Napapano ka?"

"Wala naman. Gusto ko lang mayakap ka at iparamdam sayo na hindi ka naman nag-iisa." napangiti ako sa sinabi niyang yun. Napapagaan niya talaga ang loob ko.

"Salamat Jake."

"Wala ka naman dapat ipagpasalamat. Sinabi ko naman sayong sobrang mahalaga ka sa akin diba?" nararamdaman ko, palagi naman, kaya naman napakathankful ko talaga sa kanya

"Woah! Gandang eksena diba Gelo?" boses yun ni Jonas

Inalis na ni Jake ang pagkakayakap niya sa akin at nakita ko nalang na nakatingin pala sa amin si Jonas na nakaakbay ngayon kay Gelo. Nakangiti si Jonas ng nakakaloko habang seryoso lang ang reaksyon ng mukha ni Gelo.

"Aalis na ako." sabi ni Gelo sabay tabig sa kamay ni Jonas na nakaakbay sa kanya

"Teka Gelo." pag-awat ko sabay tayo. Nilingon naman ako ni Gelo at nginitian ko siya. Magsasalita na sana ako ng bigla namang hawakan ni Jake ang kamay ko.

"Anung tingin mo kung magiging girlfriend ko siya?" laking gulat ko sa tanong na yan ni Jake. Tinignan ko siya at seryoso siyang nakatingin kay Gelo. Bakit niya yan tinatanong?

Tinignan ko rin sina Jonas at Gelo. Anung meron? Bakit seryoso ang tatlong ito?

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon