LOVE 39: KNOWING EVERYTHING

17.6K 327 19
                                    

LOVE 39: KNOWING EVERYTHING

 

GELO/SUAREZ' POV

 

Sa mga oras na iyon naging ako ulit si Gabriel Suarez. Ginusto kong maging ako ulit. Nung nandun kami, lahat ng mga alaala bumabalik sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na makasama muli ang babaeng mahal ko sa lugar na parehong mahalaga sa amin. Naiparamdam ko sa kanya ang naitatago kong nararamdaman bilang Suarez. Gusto kong hilingin na sana manatili nalang kaming ganun at sana huminto ang oras, pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

Tumawag sa akin ang secretary ng tatay ni Megumi. Isang masamang balita ang sinabi niya. Nasa Pilipinas na ang lalaking pinakakinamumuhian ko. Ang lalaking sumira ng buhay ko.

"Sir Gelo, hinihintay po kayo ni Chairman sa opisina niya." salubong nitong sekretarya

"Heto na nga at papunta na ako dun. Hindi mo ba nakikita?" lahat ng tao sa kumpanya na ito, galamay ng demonyong iyon

Para akong nasa impyerno tuwing nandito ako sa kumpanyang ito. Isang impyernong sana ay sinunog na ang kaluluwa ng Chairman na iyon. Pumasok na ako sa loob ng opisina niya, dirediretsyo lang ako at hindi na kumatok pa.

"Anung problema mo?" bungad ko sa kanya na nakaupo habang may kung anung sinusulat

"Ganyan pa ang paraan ng pagbati mo Gelo?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin

"Kailangan pa ba kitang batiin? Sabihin mo na kung bakit mo ko pinatawag, sinasayang mo ang oras ko."

"Oras mo? Anung oras iyan? Oras mo na ninanamnam mo habang kasama mo ang babaeng mahal mo?" tanong niya habang nakangiting nakatingin na sa akin. Ngiting demonyo ang ipinapakita niya. Alam na niya palang nakakasama ko si Camille.

"Oo! Bakit? May problema ka ba tungkol dun? Para sabihin ko sayo, si Megumi ang unang nakipagkaibigan sa kanila."

"Alam ko, pero alam ba ni Megumi na kasama mo siya kanina bago ka magpunta dito?" sh*t! Paano niya nalamang kasama ko si Camille kanina?

"Pinapasundan mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya

"Baka nakakalimot ka Gelo sa naging usapan natin noon? Gusto mo bang patayin ko ang babaeng iyon sa harapan mo?"

"Sir*ulo ka! Huwag mong gagalawin ang fiancee ko!" gusto ko siyang lapitan para saktan, pero gaya ng dati, nandito at nakapaligid ang mga bodyguard niya. Kaya lang naman ganyan katapang ito dahil sa alam niyang maipluwensiya siya.

"Kayang kaya ko siyang patayin sa mismong harapan mo pa Gelo. Alam mo iyan, kaya huwag mong subukang suwayin ang mga utos ko." otoritadong sabi niya. Sunod-sunuran ako sa kanya para sa mga taong mahal ko. Hindi ko gugustuhin masaktan sila.

"Huwag na huwag mo silang gagalawin!"

"Umayos ka Gelo! Nandito na ako ngayon, mas mag-ingat ka sa mga kilos mo!"

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon