LOVE 27: REMEMBERING HIM

16.4K 269 28
                                    

LOVE 27: REMEMBERING HIM

 

CAMILLE's POV

Ngayon ang ikalawang taon ng pagkamatay ng taong pinakamamahal ko. Isa sa araw na ayaw kong naaalala o dumadating.

"Anak, tara na, magpupunta pa tayo sa sementeryo." sabi ni Mommy habang inaayos ang neck tie ni Daddy

Habang tinitignan ko sila natutuwa ako. Minsan kasi pinangarap ko rin yan, yung ako ang magaasikaso sa asawa kong si Suarez. Sigh.

"Oh anak, nandyan ka na pala." sabi naman ni Daddy

"Yes at kitang kita ko ang sweetness ng parents ko." sabay smile ko rin sa kanila

"Naku naman iha, halika ka nga dito." sabi ni Dad tsaka ako niyakap "Ayos lang kung umiyak ka sa araw na ito. Alam kong namimiss mo na siya."

"Niloloko mo yata ako Dad. Wala namang araw o gabi na hindi ako umiiyak sa tuwing naaalala ko siya."

Lahat kami nagpunta na sa sementeryo kung nasaan nakalibing si Suarez. Nandito ang pamilya niya, si Jake at Jonas din. Hindi makakarating si Chelsea dahil inaasikaso niya ang event para mamaya.

Nagumpisa na ang pagdadasal, tahimik ang lahat habang taimtim na nagsasalita ang pari.

Sa mga oras na ito, hinihiling ko na sana maramdaman ko ang presence niya.

Isa-isang lumapit ang pamilya niya sa puntod ni Suarez. Umiiyak sila kaya naman ramdam na ramdam ang lungkot at nanunumbalik ang sakit.

"Sis, pasyensya ka na kung hindi ako makakapunta mamaya sa event niyo." sabi sa akin ni Ate Gabriella

"Ayos lang naman yun Ate. Naiintindihan ko. Hindi sana ako magpupunta dun kaso main event at hiniling din kasi ni Chelsea sa akin."

"Tama lang na pumunta ka. Para naman hindi ka masyadong malungkot sa araw na to." sabi ni Ate Gabriella

Maya-maya lang nagpaalam na ang pamilya niya at nauna na silang umalis.

"Cams, pupunta ako sa event niyo. Gusto mo bang sumabay na sa akin?" tanong ni Jonas

"Hindi na, mauna ka na dun. Salamat na rin." nakangiti kong sagot kay Jonas

"Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa amin?" tanong naman ni Jake

"Nagaalala nanaman kayo noh? Wag na kayong magalala, magkita nalang tayo dun mamaya."

"Mag ingat ka ha." sabi ni Jake tsaka na rin sila umalis ni Jonas

Umalis na rin sina Dad at Mom. Gaya nung nakaraang taon, ako lang ang naiiwan dito. Gusto ko kasing magkaroon ng oras na kami lang dalawa.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon