LOVE 25: MINUTES OF HAPPINESS

17.3K 261 21
                                    

LOVE 25: MINUTES OF HAPPINESS

 

CAMILLE's POV

Hindi ko alam kung matatawag pa bang tulog yung kagabi. Wala na kasi akong ibang ginawa kundi isipin si Suarez at Gelo. Kahit anung pagiisip ko ng maaring dahilan, wala pa rin talaga akong maisip kung paano nangyaring magkamukha sila.

"Hindi ka natulog kakaisip noh?" tanong nitong si Chels. Nasa klase kasi kami ngayon.

Tumango naman ako at nagpatuloy ulit sa pagiisip. Sigh. Nakakawala sa sarili.

"Uy bessy! Tapos na yung klase." sabay kalbit nitong si Chelsea sa akin

"Sobrang antok ha." agad naman akong napataas ng ulo sa boses na narinig ko

"Hi Jake!" sabi ko sabay pilit na ngiti. Ayokong malaman pa niyang may pinoproblema ako ngayon.

"Anu nanaman gumugulo sa utak mo at hindi ka nakatulog ng maayos?" tanong sa akin ni Jake na nakaupo dito sa seat sa harapan ko

Labas masok yan sa room namin, nakasanayan na rin mga kaklase ko na bigla yan papasok dito.

"Wala naman. Wag mong sabihin nagaalala ka nanaman sa akin?"

Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko "Alagaan mo ang sarili mo. Wag kang pasaway."

"Opo tatay." sabay ngiti ko ulit sa kanya, kaya ayan ngumiti na rin siya

"Ate Chels, Ate Camille!" napatingin naman kami kay Argie na dire-diretsyong pumasok sa room namin

"Oh anung nangyari Argie?" tanong ni Chels

"Anu kasi, yayayain ko sana kayo na makasabay kong maglunch. Si Megumi kasi nagdate nanaman." sabi ni Argie

Magkasama pala sina Megumi at Gelo. Sigh.

"Hindi sila sasabay sayo, dahil kasabay ko sila." sabi bigla ni Jake

"May masamang espiritu pala dito." sabi naman ni Argie "Anu na Ate Chels at Ate Camille?"

"Sige sabay-sabay na tayo." sagot naman ni Chels

"Tayo nalang dalawa ang magsabay sa lunch." sabi naman bigla sa akin ni Jake

"Huh? E diba kasabay din natin si Chels?" tanong ko sa kanya

"Okay lang naman kay Chelsea kung tayo lang munang dalawa. Isa pa, ayokong makasabay yang bata na yan."

"Bata naman talaga ako, ikaw kasi matanda na!" sigaw naman ni Argie

"Ang ingay na dito. Tara na Camille?" sabay ngiti nanaman ni Jake sa akin at hindi nalang pinansin si Argie

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon