LOVE 41: IN DANGER

17K 276 25
                                    

LOVE 41: IN DANGER

 

CAMILLE's POV

Nagaalala ako ng husto para kay dhie. Hindi ko malaman kung dapat ko ba siyang tawagan, kaso sinabihan niya akong siya nalang ang tatawag sa akin. Sana naman okay lang siya, hindi ko gustong may mangyaring masama sa kanya. Nandito ako sa University habang siya hindi ko alam kung nasaan o kung ayos lang ba siya.

"Camille." napalingon ako sa tumawag na iyon sa akin. Si Jake, seryoso siyang nakatingin sa akin. Kailangan ko na palang linawin sa kanya ang status naming dalawa.

"Jake, may kailangan kang malaman." seryosong sabi ko sa kanya pagkalapit niya sa akin

"Payakap nga muna." nakangiti niyang sabi tsaka niya ako niyakap

"Hmmm, Jake, yung tungkol sa panliligaw mo sa akin--"

"Ihihinto ko na iyon." sabi niya na nakapagpagulat sa akin "Masaya akong alam mo na rin ngayon ang totoo. Kahit papaano nabawasan na rin ang kalungkutan mo."

Alam ko na rin? Ibig sabihin ba nun, hindi lang si Jonas ang may alam kundi pati siya?

"Alam mo rin?" tanong ko sa kanya nang alisin niya na ang pagkakayakap sa akin

Ngumiti naman siya at tumango "Halos sabay lang kay Jonas nang malaman ko iyon."

"Paano? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" all this time, alam na pala nina Jonas at Jake pero tinago lang din nila sa akin

"Nung sa bar." seryosong sabi niya sa akin "Nakita ko iyong hinalikan ka niya nun, halos magalit nga ako nang makita kong hinalikan ka ni Gelo, pero nung narinig ko na ang sinabi niya, dun ko lang napatunayan sa sarili ko na totoo nga ang hinala ko."

"May hinala ka rin pala noon? Pero kinokontra niyo ako diba?"

"Ayaw lang kitang paasahin sa wala, pero nung nakumpirma ko ng totoo iyon. Ipinakita ko sa kanya na malaki ang mawawala sa kanya." hindi ko maintindihan, pero pilit ko nalang iniitindi ang mga sinasabi niya

"Kaya mo ba ako niligawan?"

"Matagal ko ng gustong gawin iyon, alam mo iyan, pero this time, ginawa ko iyon dahil gusto kong makitang siya mismo ang magsasabi sayo. Alam ko ang ugali ni Gab, hinding hindi niya kakayanin na makita kang masaya na sa iba, lalo na kung sa akin." medyo napatawa pa siya ng kaunti sa sinabi niyang iyon

"Ginawa mo iyon para kusang ilabas niya yung totoo?"

"Ganun na nga." nakangiting sabi niya na biglang naging seryoso "Hindi ko rin naman tataluhin ang bestfriend ko."

Si Jake talaga ang tipo ng bestfriend na tinuturing ng kadugo ang kaibigan. Kahit kailan hindi siya gumawa ng bagay na alam niyang magpapahirap kay Suarez, kundi ginagawa niya iyon para sa ikakabuti nito. Nakakaproud na siya ang bestfriend ng fiance ko.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon