LOVE 26: TWO DIFFERENT PERSONS

16.4K 268 21
                                    

LOVE 26: TWO DIFFERENT PERSONS

 

CAMILLE's POV

 

Busy ang lahat ngayong araw lalo na at 1st day ng Fashion Week namin. Sa makalawa na rin ang 2nd death anniversary ni Suarez, kaya naman isa pa yun sa pinaghahandaan namin ng pamilya ko at pamilya niya.

"Hi mga ate! Nandito po si Gelo para tulungan tayo." sabi ni Megumi na hawak ang kamay ng boyfriend niyang si Gelo

"Tamang tama yan para maayos na natin tong venue na gagamitin sa main event. Ayos lang naman sayo diba bessy?" sabi ni Chelsea na siniko pa ako

"Oo naman." sabay ngiti ko kay Chelsea. Wala naman akong balak magpakaparanoid sa harapan ng lahat, isa pa gumaan din naman pakiramdam ko kahapon dahil kay Gelo.

"I'm here to help too!" sabi naman ni Argie na nakataas pa talaga ang kamay

Kasama ang mga members ng club namin ni Chels, heto at inayos na nga namin ang gagamiting stage for the main event sa makalawa. Yung ibang members at mga fashion designing students ay busy naman sa mga kanya-kanyang booths nila.

"Megumi, ako na dyan. Baka malaglag ka." napalingon naman ako kay Gelo na inaalalayan ang girlfriend niyang si Megumi na nakasampa sa hagdaan

"Ayos lang ako Gelo." sabi ni Megumi na nagdidikit ng mga letra

"Baba na sabi dyan, ako na." sabi ulit ni Gelo

Habang tinitignan ko sila ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng selos. Sigh. Hindi nga ako dapat magselos, diba Gelo is Gelo and Suarez is Suarez? Two different persons.

"Baka naman matunawa sila sa ginagawa mong yan." napalingon naman ako dito sa biglang nagsalita sa tabi ko

"Anung ginagawa mo dito Jake?"

"Nandito ako para tulungan ka, kaya tara na, tama na pagtitig dyan." sabay akbay niya sa akin at pumunta na ulit kami dun sa ginagawa ko

Pinipilit kong wag tumingin kina Megumi at Gelo, pero habang naririnig ko sila lalo ko lang hindi mapigilan.

"Dun nalang tayo." biglang sabi ko kay Jake tapos agad na akong dumiretsyo sa pagbaba sa stage

Inayos ko nalang yung mga bandiritas dito sa wall. Mas okay dito at malayo ako sa kanila.

"Mas okay yang ginagawa mong pag iwas." sabi bigla ni Jake

"Hindi naman sa umiiwas ako sa kanila. Mas okay lang kasing itong inaayos ko." sabay smile kay Jake

"Ako din tutulong!" napatingin naman kami kay Jonas na nandito na rin

"Hey Cams, ako na dyan sa ginagawa mo." nakaakbay pa talaga sa akin tong si Jonas

"Sige ikaw na ang bahala dito. Oh ayan, ayusin mo ha?"

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon