LOVE 8: RUINED DATE

21.9K 312 11
                                    

LOVE 8: RUINED DATE

CAMILLE's POV

Nakakaexcite naman ang araw na to. May triple date kasi kami, me and dhie together with Chelsea and Troy at ang bagong magkasintahang si Trish at Andrew.

1pm palang magkakasama na kami nina Chelsea at Trish, heto at nagpreprepare na kami para sa aming triple date.

Hulaan niyo kung sinong taga-ayos namin?

Nandito kami ngayon sa bahay ng aming kaibigang si Vanessa, inuulit ko, siya ang bestfriend ni Troy, sa Greeners din siya nag-aaral ngayon. Ginulo namin siya para ayusan kami para sa date namin. Nagmaldita nanaman nga siya kanina pero syempre hindi niya kami matitiis na magaganda niyang kaibigan.

"Bakit ba kasi kailangan niyo pa akong istorbohin? At dito pa talaga sa bahay ko ha?!" sabi ng aming magandang taga-ayos na si Vanessa. Kanina pa yan nagrereklamo pero sige pa rin ang pag-aayos sa amin. ^_^

"I'm so excited!" sabi ni Trish

"Ako rin naeexcite na, buti nga at pumayag si Suarez." sabi ko naman sa kanila

"Ang KJ naman kasi ng mga boyfriend niyo, buti pa ang knight ko sobrang bait sa akin. ^_^" sabi naman ni Chels

"At sana lang talaga hindi niyo ko ginugulo diba? Wag na nga kayong magchikahan ng matapos na tayo dito. Magpapafacial pa ako." sabi ni Vanessa. Haha Nakakatakot kung minsana ang pagtataray kaso mas madalas na nakakatawa.

Lumipas ang oras at 6pm na. Inaabangan nalang namin na sunduin kami ng aming mga gwapong boyfriend sa bahay ni Vanessa.

"Ang tagal naman nila." sabi ni Trish ng mapatingin siya sa oras at 6:15 na.

"15minutes late palang naman." sabi ko sa kanila pero yung totoo natatagalan na rin ako

"Absent na ang mga boyfriends niyo. Umuwi nalang kayo." sabi naman ni Vanessa sa amin

"Napaka nega niyo! Dadating din ang mga yun." sabi naman ni Chels

Patuloy pa rin kami sa paghihintay hanggang sa 7pm na at wala ni isa sa kanila ang nagtext o tumawag man lang.

"Sigurado ba talaga kayong pumayag ang mga boyfriend niyo?" tanong ni Vanessa

"Hmp! I hate Andrew for letting me wait this long!" asar na sabi ni Trish

"Baka naman may nangyaring masama sa kanila." sabi ko. Nagaalala na talaga ako. Paano pala kung may nangyaring masama?

"Ang sabi sa akin ni Troy, magkakasama sila kaninang umaga." sabi ni Chels

"Kanino bahay Ate Chels?" tanong ni Trish

"Kay Gab daw." nasa bahay ni dhie?

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon