LOVE 31: TRUTH?

17.7K 332 57
                                    

LOVE 31: TRUTH?

 

CAMILLE's POV

Kung yung unang nakakakita sa akin ay lalaki at naka cap. Posibleng totoo ang panaginip ko.

"Hoy Jake! Sino na nga kasi yun? Bago pa maloka kakaisip tong si bessy." sabi bigla ni Chelsea

"Sino nga ba siya Jake?" tanong ko naman ulit

"Si---" hindi pa naitutuloy yung sinasabi ni Jake dahil sa biglang pagdating ng kaibigan namin

"Bakit hindi kayo nagyayaya?" tanong ni Jonas na agad nakaupo dito sa vacant seat sa tabi ni Jake

"Si Jonas." biglang sabi naman ni Jake kaya napalingon ako sa kanya

"Si Jonas?" tanong ko ulit

"Anong ako? Napano ako? Pahingi nga ako ng fries. Nagutom ako sa paghahanap sa inyo." sabi naman ni Jonas habang sige sa pagkuha ng french fries

"Pasalamat ka at nireplyan kita." sabi naman ni Chels sa kanya

"Teka! Si Jonas yung unang nakakita sa akin?" tanong ko ulit kay Jake

"Siya nga. Naka cap siya nun, kaya malamang siya ang tinutukoy mo." sagot ni Jake sa akin

Tinignan ko naman si Jonas at patay malisya siyang kumakain ng french fries.

"Cams naman, baka mainlove ka sa akin. Wag mo kong titigan ng ganyan." biro niya habang sige pa rin sa pagkain

Kung siya yung lalaki na yun, ibig sabihin totoo yung inakala kong panaginip at siya yung humalik sa akin? No! Hindi pwede yun!

"Jonas!" sigaw ko na halos magpabulunan sa kanya habang umiinom siya

"Ba-bakit?" tanong ni Jonas habang hawak yung drink ni Jake

"Sira ka talaga!" sigaw ko sa kanya sabay tayo at pinaghahampas ko siya. Ninakawan niya ako ng halik! Sira talaga yun!

Pagkatapos namin kumain, bumalik na rin kami sa University at talagang hindi ko tinigilan si Jonas sa paghampas kasi naman dahil yun sa naaalala ko. Naiwan na namin dun sina Argie, Megumi, at Gelo.

"Bakit ba kasi Cams?! Tama na! Masakit kaya!" reklamo sa akin ni Jonas

"Anu ba kasing ginawa niyang si Jonas?" tanong naman ni Chels

"Hoy Jonas! Wag mong sabihing may ginawa kang masama sa kanya? Pinagsamantalahan mo ba siya?" sita naman ni Jake kay Jonas

"Hi-hindi noh! Wala akong ginawa!" depensa ni Jonas sa sarili na nakuha pang tumawa

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon