LOVE 42: REVENGE

16.7K 284 24
                                    

LOVE 42: REVENGE

 

GELO/SUAREZ' POV

"Aish!" nakahiga ako pero sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Masakit din ang katawan ko dahil sa ginawa sa akin ng matandang iyon.

Pagdilat ko ng mga mata ko, ibang itsura ng kwarto ang nakikita ko ngayon. Hindi ito ang kwarto ko sa bahay ng mga Kawazaki.

"Gising ka na pala Gelo." pagtingin ko sa dulo ng kwarto, nandun ang matandang iyon, nakaupo siya at nakapatong ang dalawang kamay sa tungkod niya na ginamit niyang pampalo sa akin.

Bumangon ako, pero nakaupo lang ako sa kama habang nakahawak pa rin sa ulo ko na ngayon ay nakabenda na pala.

"Buti at naisipan mo pang ipabenda ang ulo ko." sabi ko habang nakatingin ng masama sa demonyong matanda na ito

"Pasalamat ka at hindi ko hinayaang maubusan ka ng dugo. Hindi ganun kadali Gelo. Hindi ko hahayaang matapos lang ng ganun." s*iraulo talaga ang matandang ito

"Hindi ka pa ba nagsasawa?"

Hindi niya ako sinagot. Tumayo lang siya at tumalikod sa akin.

"Tumayo ka na diyan. May pupuntahan pa tayo. Lugar na siguradong gugustuhin mong puntahan." pagkasabi niya nun tsaka siya lumabas ng kwarto

"Bakit naman ako susunod sayo?" sigaw ko hanggang tuluyan na siyang makalabas. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa ginawa kong pagsigaw.

Bigla namang pumasok ang mga tauhan ng matandang iyon. Nakatutok nanaman sa akin ang mga baril nila.

"Wala na talaga kayong ibang ginawa kundi itutok iyan, bakit hindi niyo kaya iputok na iyan? Patayin niyo na ako!" sigaw ko sabay sipa ng upuan na nasa paanan ko

"Gelo!" nandito rin pala itong si Megumi. Bakit pati siya nandito? Kasama na rin ba siya sa plano ng demonyo niyang tatay?

Tumakbo siya at agad yumakap sa akin. Wala na siyang ginawa kundi umiyak.

"Gelo! I'm sorry." sabi niya habang patuloy na nakayakap sa akin. Hindi ko siya hinahawakan. Ngayon ko lang mas naramdaman yung galit sa tatay niya at ganun na rin sa kanya.

"Bitawan mo ko Megumi." sabi ko tsaka ko siya bahagyang tinulak. Agad-agad namang nakahawak sa kanya ang mga bodyguard ng tatay niya.

"Gelo, patawarin mo ako. Nagpabulag ako sa kasinungalingan na mismong ako ang may gawa. Sorry kung nasira ko ang buhay mo at buhay ni Ate Camille." napaupo na siya floor dahil sa sige pa rin na pag-iyak niya. Binanggit niya si Camille, ibig sabihin, alam niya na.

"Alam mo ng ako ang fiance niya o matagal mo na talagang alam?" tanong ko sa kanya. Alam kong medyo malakas ang boses ko sa pagtatanong ko sa kanya.

"Ngayon ko lang nalaman." sabi niya habang nakayuko

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon