LOVE 48: OUR HAPPY EVER AFTER

20.6K 381 33
                                    

LOVE 48: OUR HAPPY EVER AFTER

CAMILLE's POV

"Good morning Mommy and Good morning Argie!" masayang pagbati ko sa aking pamilya

"Good morning din iha." sabi ni Mommy na hinalikan ko sa pisngi

"Ang saya ng gising mo Ate ha. Good morning din." sabi naman ni Argie

Sino ba namang hindi sasaya kung maganda ang mga nangyari kagabi? Ang sarap tuloy ng tulog ko, kaya naman maganda rin ang gising ko ngayon.

"Ate, hindi ka yata kina Kuya Gabriel mag aalmusal?" tanong sa akin ni Argie

"Hindi muna. Niloloko niya kasi ako na magpapamiss muna raw siya sa akin." nakangiti kong sagot kay Argie na kumakain na ng almusal. Si Mommy din kumakain na. Ako lang itong nakatayo at energetic na ginugulo ang breakfast nila.

"Effective naman kaya?" tanong ulit ni Argie

"Hmmm, madali ko siyang mamiss, pero syempre konting tiis para maloko ko siya na hindi ko naman siya namiss." sagot ko sabay lakad na papunta sa sala

Bakit kaya wala man lang text or tawag sa akin si dhie? Kanina ko pa tinitignan itong cellphone ko, halos di ko na nga binitawan ito. Hindi kaya balak niya talagang totohanin ang pagpapamiss niya?

"Hoy Ate, tawagan mo na, hindi iyong naghihintay ka pa diyan." sabi ni Argie na pinuntahan na ako dito sa sala. May nakakalokong ngiti pa siya.

"Ayoko, isa pa, iyon ang unang tatawag. Sigurado ako." confident kong sabi sa kanya

Pagkasabi ko nun tsaka naman tumunog ang cellphone ko.

"Oh ayan na siya at tumatawag na." sabi ko sabay taas ng cellphone ko na pinapakita ko pa kay Argie ang screen

Nilapit naman niya ang mukha niya sa cellphone ko sabay hawak sa dulo ng baba.

"Eh hindi naman si Kuya Gabriel ang tumatawag." pagkasabi niya nun agad kong tinignan ang screen ng cellphone ko

I wasn't expecting a call from Jake. Kaya naman pala kumunot ang noo ng kapatid kong ito nang makita kung sino ang tumatawag.

"Sagutin mo na iyang tawag. Baka mamaya magpanic pa iyan." sabi bigla ni Argie sa akin. Nginitian ko nalang siya tsaka ko sinagot ang tawag ni Jake.

"Hello Jake?"

[You need to go to the Airport now.] may authority ang pagkakasabi nun ni Jake. Malalaman sa boses niya na may problema.

"Anung nangyayari? Bakit ko kailangang pumunta dun?"

[Gab's leaving.]

***

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon