LOVE 14: BROKEN

18.2K 291 16
                                    

LOVE 14: BROKEN

CAMILLE's POV

Mamayang gabi na ang rampage namin for fashion week. Excited na akong irampa sa maraming tao ang mga gawa ko.

"Halata sayo ang excitement." nakangiting sabi ni dhie

"Syempre naman dhie. First event namin to kaya excited talaga ako."

"Ako din nasasabik na makitang suot mo ang mga gawa mo."

"Dapat lang talaga dhie, sigurado kayang magiging napakaganda ko nanaman."

"Teka, kung wag ka nalang palang magparticipate dun?"

"Huh? Bakit naman?"

"Sinabi mong mas gaganda ka, edi mas madaming titingin nanaman sayo, parang ayoko yata yung idea na yun."

"Pft! Hahahaha! Loko ka talaga dhie. Payakap nga." tsaka ko siya niyakap ng mahigpit, yumakap din naman siya sa akin "Wag kang malalate mamaya, pag nalate ka malalagot ka sa akin."

"Hindi ako malalate. Pangako yan. Isa pa, gusto kong ako ang unang makakakita sayo mamaya."

Maya-maya lang, naghanda na ako sa pagpunta sa Greeners.

"Dhie, hindi ba pwedeng wag ka ng pupunta dyan?" kailangan niya kasing may daanan muna daw bago magpunta sa Greeners kaya heto at di kami magkasabay sa pagpunta.

"Sandali lang naman ako dun at siguradong makakarating ako bago pa man magumpisa yan."

"Pero kasi mas gusto ko kung sabay tayo."

"Importante lang talaga to."

"Hmp, sige na nga, basta dadating ka. Hihintayin kita, okay?"

"Okay." nakangiti niyang sabi sa akin tsaka na ako sumakay sa kotse pero bago pa man ako makasakay bigla niya naman hinawakan ang kamay ko "Bakit dhie?"

Inilapit niya ako sa kanya tsaka niya ako niyakap muli "Mahal na mahal kita, Camille Young."

Napangiti naman ako nang marinig ko na sabihin niya ang pangalan ko. Ibang kilig kasi yung nararamdaman ko sa tuwing tinatawag niya ako.

"Mahal na mahal din kita, Gabriel Suarez."

Pagkasabi ko nun, humiwalay siya sa pagkakayap namin tsaka niya ako tinitigan.

"You're simply irresistable." pagkasabi niya nun tsaka niya ako hinalikan. Halik ng tunay na pagmamahal.

"Suot ko yung kwintas, suot mo din yung sayo?" tanong ko sa kanya kaya naman ayan at ipinakita niyang suot niya nga ito

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon