LOVE 46: MEMORIES TO REMEMBER

19.8K 298 38
                                    

LOVE 46: MEMORIES TO REMEMBER

 

CAMILLE's POV

 

Namiss ko ito! Ang maagang tumambay sa bahay nina dhie.

"Aw aw!" pagsalubong sa akin ni Tiny

"Namiss kita Tiny." sabi ko sabay haplos sa ulo niya. Isa rin ito sa mga masaya sa pagbabalik ulit ni dhie. "Nasaan ang amo mo? Tulog pa rin ba?"

"Aw aw!" napapangiti talaga ako sa pagtahol niya

"Iwan na muna kita diyan, guguluhin ko na ang fiance ko." sabi ko tsaka na pumasok sa loob

Nakasalubong ko naman itong si Ate Gabriella na mukhang may pupuntahan yata.

"Ang aga ng date natin ha." tukso ko sa kanya na todo pag-aayos ng sarili sa harap ng salamin

"Oh my God!" sigaw niya with matching takip pa ng dalawang bibig "Sis naman, gulatin daw ba ako."

"Good morning Ate Gabriella!" sabi ko sabay taas ng kanang kamay with matching pag kaway pa

"Sige na, aalis na ako. Nandiyan na aking future husband." kinikilig niyang sabi tsaka na humalik sa pisngi ko at excited na lumabas. Nandiyan na kasi si Kuya Nicolai dahil may bumusina na sa labas.

Ako naman itong paakyat na sa kwarto ni dhie para guluhin ang kanyang masarap na tulog para ipagluto ako ng almusal ko. Hindi pa talaga ako nag almusal sa tuwing pumupunta rito para naman sobrang ganado ako sa pagkain ng luto niya.

Gaya ng inaasahan ko, hindi nakalock ang kwarto niya kaya madali akong nakapasok. Para siyang bata sa tuwing natutulog, napaka peaceful kasi ng mukha niya. Ang sarap niya tuloy titigan.

"Hanggang mamaya matutunaw nalang ako." nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita

"Good morning dhie!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Kasabay nun ang biglang pagyakap niya sa akin, ngawit tuloy ang likod ko sa ginagawa niya.

"Dhie, masakit sa likod." reklamo ko. Bigla niya naman akong binitawan sa pagkakayakap tsaka siya tumalikod sa akin. Napatawa tuloy ako ng mahina sa ginawa niya. "Nagtatampo ka? Para ka namang bata."

"Labas na nga! Istorbo ka lang sa pagtulog ko."

"Gising ka na bago pa ako dumating diba? If I know inaabangan mo talaga ako."

"Labas na! Ang ingay mo." mas lalo akong napapangiti sa pagtatampo niyang iyan

Umupo ako sa kama niya tsaka ko tinusok ang left cheek niya. "Huwag ka ng magtampo diyan dhie. Hindi bagay."

"Sino ba may sabing nagtatampo ako?" hindi raw nagtatampo pero ayaw tumingin sa akin

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon