LOVE 20: THE "REAL" BEGINNING

18.5K 288 16
                                    

LOVE 20: THE "REAL" BEGINNING

 

CAMILLE's POV

Dalawang taon na ang nakaraan simula ng nawala ang taong pinakamamahal ko sa buhay ko. Sinabi kong kakayanin ko diba? Ang hirap pala nun.

Sa first 6 months halos hindi na ako makapasok sa University nang dahil sa madalas ko siyang napapanagipan at naiimagine na nakikita sa kahit saang lugar na magiging dahilan nalang na bigla kong pagiyak. Madalas din akong nagkakasakit noon.

Pero nalampasan ko yun with the help of my family and friends. Hindi nila ako iniwan, lagi silang nandyan at ginabayan ako all through out the difficult stage.

May isang bagay lang naman na hindi nagbago eh. Yun yung pagmamahal ko kay Gabriel Suarez, ang aking fiance.

"Ate tabi tatamaan ka ng bo--!"

"Ouch!" napahawak nalang ako sa ulo ko nang tumama na sa akin ang bola ng volleyball. Anu ba naman kasi yan? Dati naman tumatambay ako dito sa area na ito ng University pero hindi naman ako tinatamaan ng kahit anung bola. Bad day ko ba ngayon?

"Sorry po Ate. Hindi po namin sinasadya." sabi nitong babae na nakadoughnut bun. She looks very familiar.

"Ayos lang yun. Magiingat nalang kayo sa susunod."

"Hindi yun ayos!" biglang sigaw naman ni Jake na nakatayo malapit sa amin "Kung bakit ba naman kasi napaka careless mo." masungit na sabi niya dito sa cute na babaeng naka dougnut bun

"Hindi ko nga yun sinasadya tsaka tinanggap na ni Ate ang sorry ko, anung inaalboroto mo dyan?!"

"Uy Jake! Anu ka ba naman? Okay na nga sabi ako." sabay smile ko sa kanya para huminahon

"Are you sure na okay ka?" tanong ulit ni Jake sa akin with his ever so worried looks

"Hindi kaya niya pacheck up. O.A!" sabi nung babae na nagpalingon kay Jake sa kanya "Wala kong sinasabi! Ganyan ka makatingin."

"Umalis ka na nga." mahinahon na sabi ni Jake sa babae

"Ate, sorry talaga." tapos tumalikod na yung babae

"Wait! Anung pangalan mo? Familiar ka kasi sa akin."

Humarap naman siya at nagsmile "Regina po ate, pero Argie nalang itawag niyo sa akin, mas prefer ko yun."

"Regina? Dougnut bun girl? Yung nakabike na nakabangga kay Jake nung proposal day ko!" parang may bumbilyang biglang nasindihan nang maalala ko yun

"Hehehe. Hindi ko na yata maalala yan Ate."

"Tama lang na di mo na maalala." sabi ni Jake na tinalikuran na si Argie "Let's go?" nakangiting tanong niya sa akin

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon