LOVE 38: MOMENT OF TRUTH

17.9K 346 35
                                    

LOVE 38: MOMENT OF TRUTH

 

CAMILLE's POV

Okay na si Megumi, nakabalik na rin siya sa school after niya umabsent for 3 days. I tried to talk to her, pero pakiramdam ko iniiwasan nila ako ni Argie. Hindi ko tuloy alam kung bakit siya galit sa akin.

Months went so fast simula rin ng manligaw sa akin si Jake. Sinusubukan akong kumbinsihin ni Chelsea na sagutin na raw si Jake. Pero bakit ganito? I like Jake, I really do, pero ayaw ng puso ko. Sumasakit na ang ulo ko sa mga problema. Sana hindi na madagdagan pa ito.

"Kaya ko ito!" sabi ko habang nakapikit at nakaupo dito sa bench kung saan madalas kami ni Suarez noon

"Kaya ang alin?" agad naman akong napadilat dahil sa nagsalita na iyan. Gaya ng inaasahan ko, si Gelo nga ang narinig kong nagsalita. Nakatayo siya sa tabi ng inuupuan kong bench at nakatingin sa akin na parang nagtataka. Naweirduhan yata ito sa ginagawa ko?

"Hehe. Wala naman." sabi ko habang pilit na nakangiti sa kanya. Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.

"Kung si Megumi at si Argie iyan, huwag kang mag-alala sa dalawang iyon." sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa akin

"Hmm, bakit nga ba sila umiiwas sa akin?" hinihintay ko siyang sabihin sa akin ang kasagutan sa tanong ko pero tumingin lang siya sa ibang lugar at hindi sumagot. Ibig sabihin, ayaw niyang sabihin sa akin iyon.

Natahimik bigla at ayoko ng ganito kaya naman bigla akong tumayo "Aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako."

"Saan ka pupunta?" akala ko naman makakaalis naman ako agad, pero nagtanong pa talaga siya kung saan

"Balak ko sanang pumunta ngayon sa school namin ni Suarez nung highschool." pagkasabi ko nun bigla siyang tumingin sa akin at hindi ko maintindihan ang expression na nakikita ko sa mukha niya

"Bakit ka pupunta dun? Anung gagawin mo?"

"Gusto kong makapagunwind. Magrefresh ng utak at magreminisce na rin siguro ng mga happy memories para naman hindi ko na masyadong maisip mga problema ko."

Bigla naman tumayo si Gelo at parang hindi siya mapakali na nahihiyang tumingin sa akin. Para siyang may gustong sabihin na hindi niya magawang masabi.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya

"Hmmm, anu kasi."

"Anu?"

"Ah wala! Sige alis ka na." sabi niya na akala mo nakahinga ng maluwag

"Okay sige. Bye." sabi ko sabay ngiti sa kanya

Naglakad na ako, pero hindi pa man ako nakakalayo. Bigla ko nalang napansin na nasa tabi ko na rin pala siya at sinasabayan ako sa paglalakad, kaya naman napahinto ako at napatingin sa kanya.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon