LOVE 16: DEPRESSION

17.7K 306 13
                                    

LOVE 16: DEPRESSION

 

JAKE's POV

Ako ba ang dapat sisihin? Ako na nagpahiram sa kanya ng motor? Hindi ko ginustong mangyari ito, gusto ko lang makatulong.

"Sir, wala pa rin findings." sabi nitong pulis na lumapit sa akin

"Sige po sir, salamat po. Itong contact number ko, tawagan niyo ko agad pag may improvement sa investigation niyo at sana mahanap niyo na siya."

"Gagawin namin ang lahat."

Umalis na ako sa police station at ako naman ang kusang naghanap sa kanya. Bakit ba siya nawawala?  

Pumunta ako sa mga hospital pero wala daw dun na naka admit na galing sa isang aksidente. Nasaan na ba siya?

Hindi ko magawang bumalik sa bahay ni Camille ng wala man lang akong magandang balita para sa kanya. Alam kong higit sa lahat, siya ang pinaka nasasaktan sa oras na ito. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak siya at nahihirapan sa pagkawala ng taong minamahal niya. Hindi pa siya patay, mahahanap namin siya.

"Hindi ka ba papasok sa loob?" napatingin ako kay Jonas na nandito rin pala sa bahay nina Camille "Tatayo ka nalang ba dyan?"

"Nasaan siya? Gising na ba siya?"

"Nasa kwarto niya. Nakalock sa loob kaya hindi rin ako makapasok."

"Paano ko siya dadamayan kung nagkukulong siya sa kwarto niya?"

"Gusto ko rin siyang damayan, pero gaya mo wala rin naman akong magawa."

Pareho kaming nakatayo dito sa gate ni Jonas at nakatingin sa bintana ng kwarto ni Camille. Paano ko dadamayan ang taong ayaw naman nun?

"Mga iho, pumasok na muna kayo dito sa loob." tinawag kami ng Mommy ni Camille kaya pumasok na kami sa loob ng bahay nila

Bakas din sa mukha ng mommy niya ang pagaalala. Marahil para kay Camille, pero alam kong nagaalala din siya dahil kay Gab.

"Magmeryenda na muna kayo."

"Wag na po tita. Nandito naman kami para po sana mapagaan ang loob ni Cams, pero mukhang ayaw niya ng makakausap ngayon." sabi ni Jonas

"Salamat sa inyong dalawa. Kahit ako ay sobrang nagaalala sa anak ko, gayun din naman kay Gab, kaya sana mahanap na siya."

Bakit ba kailangang sa mga oras na masaya ang taong tsaka naman dadating ang mga trahedya sa buhay na magpapagulo sa sitwasyon at magpapalungkot sa mga taong nasa paligid?

Napatingin ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Camille, sobra akong nagaalala sa kanya.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon