LOVE 5: JEALOUS

25.2K 384 10
                                    

LOVE 5: JEALOUS

CAMILLE's POV

"Yes, I love you very much Gabriel Suarez. I do. I do. I do."

(O__O)

"KYAAAAAAAAAAHHH!"

"Ang lakas mo naman makasigaw Mhie. Argh! Ang sakit sa tenga."

Teka, kwarto ko to ha? Napatingin pa talaga ako sa paligid ng kwarto ko para maconfirm na kwarto ko talaga to.

"Anung ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Masama bang pumasok sa kwarto ng fiancee ko?" anung nginingiti niya? Hala! Baka naman nakita niyang tumutulo ang laway ko o kaya naman narinig niya akong humihilik? Hindi ko naman alam kung ganyan nga ba ako pag tulog, pero paano kung ganyan nga? WAAAAAAAAAHHH!

"Yes, I love you very much Gabriel Suarez. I do. I do. I do. Hahahaha! Hanggang panaginip ako pa rin pala ang kasama mo." (O__O) narinig niyang sinasabi ko yun? Nanaginip akong kinakasal na kami kaya ganun sagot ko. Naman eh! 

"Pinagnanasaan mo ba ako haggang pagtulog?"

"WAAAAAAAAHHHH! Hindi!"

"Hahahahahaha! Nakakatuwa ka talaga. Tumayo ka na dyan at maligo na, nakakahiya naman sa akin na makitang bagong gising ka diba?" >///////////< bakit ba alam na alam niya kung paano ako mahihiya? Aish!

"Nakakainis naman!" sabi ko sabay binilisan na ang pagtayo tsaka ko binilisan ang pagtakbo ko papuntang banyo.

Woah! Grabe talaga si dhie. Walang araw na di niya ako pinagtritripan. Buong bakasyon siyang ganyan. Laging nakatrip. Psh! Pero ayos na rin yun para mas madalas kong nakikita ang pag ngiti at pagtawa niya ^__^

Ang aga niya namang pumunta dito. Anu bang meron ngayon? Hmmmmm! Ah tama! Enrollment na nga pala namin sa Greeners ngayon.

Natapos na rin akong maligo at nakapagbathrob na rin. Siguro naman nakababa na yung si dhie.

"WAAAAAAAAAAAAHHH!" sigaw ko nang paglabas ko nakaupo sa kama ko si dhie, nakacross arms siya at nakatingin sa akin >/////////<

"Anu pang ginagawa mo dito? Lumabas ka na para makapagbihis na ako."

"Napapadalas ang pagsigaw mo pag nandito ako. Anu bang problema? Naka bathrob ka naman. Haha" ayan nanaman ang nakakaloko niyang tawa

Pumasok na ako sa walk-in closet ko at dun na rin nagbihis. Hindi naman siguro maninilip yung lalaking yun.

"Wala ka talagang balak bumaba noh?" umiling naman siya ibig sabihin wala nga talaga siyang balak bumaba

"Mag aayos lang ako sandali para makapagalmusal na rin muna tayo bago umalis." sabi ko habang nag aayos sa harap ng salamin. Napansin ko naman na nakatitig lang sa akin si dhie.

[SMFF Book2] All My Love is for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon