Panimula

16.1K 284 38
                                    

FLAME ON THE HEART
Genre: Fantasy, Adventure, Romance, Action

MATAGAL ko nang tanong sa aking sarili kung saan ko ba nakuha ang apoy na tattoo sa kanan kong palad. 'Lagi ko itong itinatanong sa aking Ina, subalit ang tangi niyang tugon ay, "Pagkapanganak mo pa lang ay nand'yan na 'yan."

May pagkakataon nga na pinapagalitan ako sa paaralan ng dahil dito. Bawal daw ang may ganito, ito palagi ang sinasabi ng adviser at principal ko sa akin. Nagpaliwanag at dinepensahan ko ang aking sarili ngunit, kahit isa sa kanila'y hindi ako pinaniwalaan. Nang dahil sa tattoo na ito kaya maraming 'di magagadang bagay ang nasasabi sa akin. Mukha raw akong adik dahil medyo namumula ang kulay ng aking mga mata. Pero 'di ko naman kasalanan na maging ganito ang kulay nito.

Basagulero raw! Ang 'di nila alam, kaya lang naman ako napapaaway ay dahil ipinagtatanggol ko lang naman ang aking sarili at kasama na rin ang pagtuturo ng leksyon sa mga taong mahilig mam-bully ng mga mahihina at inosenteng estudyante. Tamad daw akong mag-aral! Halos gabi-gabi ko nga binabasa ang mga notes ko sa school kaso talagang hirap lang akong maka-absorb ng lessons. Sa madaling-salita, bobo ako.

"Hoy! Mars," biglang may tumawag sa 'king pangalan habang ako'y nakatitig sa ulap. "Bumaba ka nga d'yan. Kanina pa kitang hinahanap, nand'yan ka lang pala...Bumaba ka na nga d'yan. May dala akong snacks, oh."

Nandito na pala si Venus, ang kaklase ko na may kakayahang komontrol ng tubig. May tattoo siya sa likuran na hugis tubig. Noong una'y akala ko'y kathang-isip lang ito, pero 'di pala, dahil sa 'kin niya mismo ito ipinakita at talaga namang kahanga-hanga. S'yempre, sekreto lang naming dalawa ito at 'di namin ito pwedeng ipagsabi sa iba. Sabi nga rin niya sa 'kin na baka may kapangyarihan din ako. Hugis-apoy ang tattoo sa kamay ko kaya may chance na may kapangyarihan ako ng apoy subalit, ilang beses ko na itong sinubukan pero wala namang lumalabas.

"Hoy! Ano? Ba-baba ka ba o baka gusto mo pang masaktan?" pananakot nito sa akin. "Ayaw mo talaga?" Isang bolang-tubig ang humulma sa kanyang palad.

"Oo na! 'Eto na nga," sabi ko dahil natakot din naman ako, kaya nagmadali agad akong bumaba mula sa sanga ng puno na aking kinauupuan. "Subukan mo na patamain sa 'kin 'yan, 'di na talaga kita papansinin kahit kailan."

Unti-unting naglaho ang tubig sa palad niya at tinaasan ako ng kilay, "Madali ka naman palang kausap."

"Bakit ka nga pala absent sa una nating subject?" nakapamewang niyang tanong habang ako'y nagpapagpag naman ng narumihan kong pantalon.

"Late na kasi ako...Kilala mo naman ang teacher natin sa Economics. Raratratin ako n'on ng mura." Napatawa pa ako ng bahagya nang maalala ko ang huling beses na ako'y nahuli sa subject na iyon.

"Tinopak ka na naman siguro?" aniya. "O baka tinamad ka lang talaga?"

Seryoso kong tiningnan si Venus na animo'y nakikipagusap gamit ang isip.

"Hinarang kasi ako ng grupo nina Jupiter sa isa kong dinadaanan sa likod ng school," pag-amin ko.

"Mayayabang kasi sila, ayun...Tinuruan ko na rin ng leksyon. Mga maangas pero wala namang ibubuga." Sinundan ko pa ng isang mala-demonyong pagtawa.

"Sira ka talaga!" sabi niya at pagkatapos ay binatukan niya ako.

"Pasalamat ka! Pa'no kung ikaw ang naturuan nila ng leksyon?" Binatukan na naman niya ako na siya nang ikinainis ko.

"Ano ba!" pagalit kong sabi. "Kailangan ba na babatukan mo ako tuwing pagsasabihan mo ako?" Tinitigan ko rin siya ng masama pero 'di siya nagpatalo.

"Bakit? May angal ka? Dapat nga'y matuwa ka sapagkat may babae na sumasama sa 'yo," aniya. "Baka nakakalimutan mo, 'pag ikaw ay nalalagay sa gipit na sitwasyon, sino ang tumutulong sa 'yo? 'Di ba, ako?"

Ibinalik ko ang sandwich na bigay niya at agad tumayo, "Sinabi ko ba na tulungan mo ako? Hiniling ko ba? 'Di ba hindi? D'yan ka na nga! 'Di ko naman kailangan ng kaibigan, sanay na 'kong mag-isa!" prangka kong tugon at iniwanan ko siya nang 'di man lang nakapagsalita. Hindi ko na rin siya pinansin ng araw na 'yon. Akala niya yata ay kung sino siya, 'di ko ginusto na maging kaibigan niya ako...Siya lang ang masyadong mapilit. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong mga taong tutulungan ako ng 'di ko hinihiling tapos sa huli...Ipapamukha nila sa 'kin na utang na loob ko ang pagtulong nila.

KINAGABIHAN, isang asul na liwanag ang kumuha sa atensyon ko habang ako'y nakadungaw sa bintana. Nagmumula ito sa lugar na kinatatayuan ng aming paaralan. 'Di rin naman kasi ito kalayuan mula rito. Nagtaka ako, kaya nagpaalam muna ako kay Nanay para ito'y matingnan. Hindi ko nga maintindihan, pero habang palapit ako nang palapit sa lugar ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng kaba na 'di ko maipaliwanag.

'Ano 'to?" nagulat ako nang bumungad sa akin ang mga nakahintong tao, sasakyan at mga hayop. Mismong ang pagpatak ng tubig at ang paglaglag ng dahon ay gan'on din. Para bang tumigil ang oras sa lugar na ito, pero pa'no? Bakit ako'y hindi? Napahinto na lang ako nang bigla akong makarinig ng isang pagsabog. Nagmula ito sa tapat ng school, sa mismong ceremonial ground nito. Sinundan pa ito ng sunod-sunod na pagkidlat. Tinakbo ko na ito upang malaman ang mga nangyayari...

"A-ano-..." Bumungad sa harapan ko ang tatlong nakaitim na lalaki at isang matanda na napapalibutan ng kidlat. Pero ang mas gumulantang sa akin ay ang babaeng nakaluhod at mukhang hinang-hina. Napapalibutan ang katawan niya ng isang Water Shield pero ito'y naglalaho nang paunti-unti. Hindi ako pwedeng magkamali, si Venus ito!

"Itigil n'yo 'yan!" buong-tapang kong isinigaw. Pero 'di man lang sila natinag, isang napakalaking kuryente ang lumabas mula sa matanda. Balak na niya yatang tapusin si Venus.

"Katapusan mo na! Water Princess..." Buong lakas nitong ibinato ang kapangyarihang iyon papunta kay Venus na 'di na makagalaw dahil sa pinsala nitong natanggap.

Hindi ito pwede, si Venus na kaibigan ko? Ang tanging nilalang na nakipagkilala at kinausap ako ng seryoso. Napakababaw ko kanina, 'di ko man lang naisip na concern lang siya sa 'kin. At heto siya ngayon, nalalagay sa panganib dahil sa mga kakaibang nilalang...Kailangang may magawa ako, ililigtas ko ang kaibigan ko.

ISANG napakalaking apoy ang sumalag sa kapangyarihang kidlat na ibinato ng matanda. Isang Apoy na Phoenix ang lumitaw at sinugod ang apat na nilalang. Walang nagawa ang mga ito kundi tanggapin ang nagliliyab na bagay na lumabas sa kamay ko. Bago pa man matamaan si Venus ay bigla itong lumabas sa palad ko...Hindi ko nga alam kung paano pero sadyang nakakagulat ang mga nangyari. Nawala ang apoy kong kapangyarihan at naglaho naman na parang bula ang matanda at ang mga kasamahan nito. Agad kong nilapitan si Venus at niyakap, 'di ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya.

"Venus, gising!" wika ko. Niyugyog ko pa ang katawan niya tapos ay bigla na lang na naghilom ang mga sugat niya. Nagtaasan ang butil-butil na tubig mula sa lupa at pumasok sa kanyang katawan. Parang walang nangyari, bumalik na siya sa dati...

"M-mars?" Pilit niya akong inaaninag.

"Anong ginagawa mo rito? T-teka...Sina Zeus?" pagtataka niya.

Kaso, isang ilaw ang gumulat sa amin. "Hoy! Anong ginagawa ninyo rito? Ginawa n'yo ng Motel ang paaralan. Mag-siuwi na nga kayo...Ang babata n'yo pa!"

Nakita pala kami ng guard ng school. Agad bumitaw si Venus sa 'kin at dali-daling umalis na parang namumula ang mukha.

"Manong Guard! Wala akong alam sa sinasabi n'yo! Ihh..." Hiyang-hiya siya ng oras na 'yon habang ako nama'y napakamot na lang sa ulo.

******

Sinimulan kong gawin ang story na ito, year 2013.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon