"Pagkatapos nito, bar tayo guys. Hanap din tayo ng lalaki," suhestyon ni Carol.

"Aish. Not a good idea. Sa tingin niyo hindi kayo susundan ng mga 'yan? Lah! Baka gusto niyong magkaroon ng rambol sa Bar, mga gangster pa naman ang mga iyan," I said.

"Gangster din ako kaya sanay na'ko sa rambol," Carol said.

"Subukan lang nilang sumunod," may bahid ng inis na sabi ni Mrie. Kumunot ang noo ko.

"Don't tell me magbabar ka? Si baby Ren paano?" I asked. Nagkibit balikat lang ito bago sumagot.

"Nasa Lolo niya," she just said.

Napailing nalang ako at the second time. Wala na talagang pag-asa. Galit sila kaya wala na akong magagawa.

*****

Pauwi na kami ngayon dahil tapos na ang celebrasyon. Nagpaalam kami kina Mark at Joecel pati narin sa mga magulang nito. Sabay-sabay na kaming lahat at iisang sasakyan lang ang gamit. Napangiwi pa ako kasi siksikan kami, parang kaming mga sardinas na ngayon.
Labing lima lang naman kaming lahat na nakasakay dito including Zenberg na siyamg nagmamaneho sa aming lahat. Panay ang mura ni Sabrina dahil nakapangko lang naman ito kay Kenneth. No choice siya kaysa sa maglakad siya pauwi. Wala pa namang gaanong sasakyan dito. At alam kong binalak nila itong gawin para makalapit sa mga babae nila.

"Fuck! Jeth ayusin mo ang pagdadrive!" sigaw ni Sabrina.

Tiningnan ko si Zenberg ng masama dahil alam kung sinasadya niya ding pagewangin ang sasakyan.

"Tsk," he just said.

"Huwag mo kong hawakan Michael baka masapak kita," rinig kong sigaw ni Carol napalingon ako sa kanila pero hindi rin nagtagal dahil hinila ni Philip ang ulo ko. Kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Ouch...," utal nito. Siya kasi ang katabi ko ngayon sa passenger seat. Hindi nga kami kasya pero pinagsiksikan talaga.

"Zenberg bilisan mo ang pagdadrive. Ayokong magkariot sa loob ng sasakyan," I said to him na sinunod naman niya.

Nakarating kami sa kanya kanya naming destinasyon puro bangayan ang natatanggap ng tenga ko. Paano ba naman kasi reklamo dito, reklamo doon. Sinong hindi maririndi doon?

"What's your problem?" tanong ni Zenberg habang naglalakad kaming dalawa papasok ng bahay.

"Wala. Nainis lang ako sa nangyari kanina."

Pinaharap niya ko sa kanya at saka niyakap.

"I want to help them," he just said.

"I know," sabi ko at hinila siya para maglakad ulit.

Hanggang sa makarating sa kwarto ay wala kaming imikan na dalawa. Sumalampak ako sa kama at ganoon din siya.

"Kapagod," I muttered.

"Sasama ka sa kanila sa bar?" tanong nito na ikinagulat ko. Tiningnan ko siya at saka nagkibit balikat.

"Sasama lang ako pagniloko mo ako. Naku! Ikaw Zenberg, pag-nalaman kong sumama ka sa kanila sa pambababae. Swear! Manlalalaki din ako! Sasama ako kina Sab, Carol, Nick, Mrie at Yhancy sa panlalalaki!" I said to him half shouting.

Bumangon siya sa kama at umupo sa tabi ko. Hindi ko alam ang ekspresyon niya kasi nakatalikod ito ng bahagya sa akin.

"Hindi mo naman ako iiwan pagnangyari iyon diba?" he asked na ikinataka ko. Bakit parang sa tono ng pananalita niya ay parang may kasalanan siya? Ipinilig ko ang ulo ko kasi napaka-imposible naman no'n. Si Sab na mismo ang nagsabi sa'kin na hindi niya nakita si Zenberg doon. Tumayo ako sa harapan niya at namewang.

"Pagnangyari iyon...hmmm. Siguro iiwan nga kita," I said.

I am just joking, gusto ko lang makita ang magiging reaksyon niya at para narin matakot siya kung sakaling gawin niya iyon sa akin. Pero hindi ko siya iiwan, siguro magpapalipas lang ng hangin.

Napalunok ito at kita ko sa mata niya ang pangamba. Something's wrong with him. May hindi ka ba sinasabi sa akin Zenberg?

"You will leave me? Bakit hindi mo ba ako mahal?" tanong nito.

"Teka nga lang Zenberg. May dapat ba akong malaman huh? Sa tono kasi ng pananalita mo ay parang sumama ka kina Bakla," nasabi ko nalang. Tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita ng ilang minuto.

"Hindi ako sumama," sabi niya ng seryoso.

Tumango ako. Buti naman kung ganoon kasi baka masapok ko siya pagnaglihim siya sa'kin.

"Good to hear that," I said and kissed him on his lips pero smack lang, huwag kayo.

"Huwag kang maglilihim Zenberg. Swear! Mas mabuti pang magsabi ka ng totoo kaysa magsinungaling," I said to him. He kissed me back before he speak.

"Yeah. If you say so."

"Hehe. Bihis muna ako at ikaw din. And'yan sa kabilang closet ang damit mo."

Tumango lang ito sa sinabi ko kaya tinalikuran ko siya at tinungo ang closet ko. Kumuha ako ng damit kasi nangangati na'ko sa damit kong ito. Doon ako sa bathroom magbibihis, mahirap na pag sa harapan ni Zenberg baka kung saan pa humantong. Alam kong mahirap magpigil lalo pa't lalaki siya. He has his needs kaya kung ayaw kong madiverginize ng hindi pa na kakasal ay kailangan kung dumestansya. I know my limitations and also he do.

.

.

.

Ladymania.

#Huwag Magsinungaling Sa Taong Magaling Manghuli. 😁

Hahaha. I'm back!! Lol. Trip ko lang ibahagi guys. And I just want to thank u all kasi araw-araw nalang may nag-aadd ng story ko sa reading list nila. Xiexie.

Lovelots.

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now