"Sunny, iha, kamusta na pakiramdam mo? Sumasakit pa rin ba anak yung puso mo?" tanong ni Sister na ikinangite ko.

"Okay na po Sis, hindi na po sumisikip. Siguro normal lang po iyon kapag nasstress ako. Hehe. Don't worry po." I said.

Pinacheck up na naman nila ako pero wala namang mali sa heart ko, wala naman itong butas o ano. Sabi lang ng Doctor sa akin ay sanhi lang daw ng sobrang stress at fatigue.

"Mabuti naman kung ganoon iha. Alagaan mo ang sarili mo.And by the way may pupunta pala dito mamaya, magpapatulong sana ako."

"Para saan po Sis?"

"Para sa farewell party." she said. May aampunin na naman bang bata? Hay. Nagpapafarewell lang naman si Sister pag may naampon na naman.

"Sino po ang aalis Sis? Hay. Nakakalungkot na nakakatuwa. Nakakalungkot kasi may mababawasan na naman. Nakakatuwa kasi magkakaroon na naman ang isa sa kanila ng pamilya." I said to sister.

"Ganyan talaga iha ang buhay. May mawawala pero may dadating. Pero sa lagay ngayon, mawawala siya sa lugar na ito pero pupunta naman siya sa mga taong importante sa buhay niya. Ito na kasi ang oras na kailangan siyang kunin, tama na raw kasi ang panahon na binigay sa kanya kaya kukunin na siya."

"Sino po ba ang tinutukoy niyo Sis? Nahanap niyo na po ang mga magulang ng isa sa mga bata dito? Wow! Nakakatuwa naman po kung ganoon." sabi ko. I'm so happy for him or her kasi sa wakas makakasama na niya yung totoong mga magulang niya.

"Sort of." Ito lang ang sinagot nito sa akin. Ngumite lang ako ng magpaalam si Sister na aalis muna saglit, may kakausapin lang daw. Ako nilaro ko nalang ang mga bata sa kadahilanang hindi ko alam. Feeling ko kasi ay mamimiss ko sila.

***

Pagdating ng gabi, lahat ng bata ay nagtipon-tipon para sa Farewell Party. Naiiyak ako kasi isa na naman sa kanila ang aalis. Sa tuwing may party na ganito ay nalulungkot ako kasi hindi ko na sila palaging makikita. Hindi ko alam kung sino ang aalis sapagkat ayaw sabihin sa akin ng mga Sisters. Secret daw sabi nila kaya wala na akong nagawa.

Si Sister Loi, ang naging MC ng gabi. May konting palarong hinanda at may konting salo-salo din. Masaya ang naging flow ng programa dahil lahat ay nagsasaya. Napahinto kaming lahat sa ginagawa namin ng magsalita si Sister Loi sa harapan.

"Okay, I would like to call on Rhea to go here in front to sing a song for us." tawag ni Sister. Pumunta naman ang bata sa stage pero bago siya kumanta ay may ibinigay muna itong mensahe.

"Para po sa iyo itong aawitin ko. Sana po maappreciate niyo po ang gagawin kong ito. Mamimiss ko po kayo ng sobra-sobra, sana dumalaw po kayo dito pag may time." She said. Napatingin ako sa likod dahil dito siya sa gawi ko nakatingin. So I assumed na si Kent, sa likod ko, ang batang aalis ngayon. Pumunta ako sa gawi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Mamimiss kita Kent." sabi ko.

"Mamimiss din po kita ate." and he hugged me back. I will miss this kid. Tumingin ako sa harapan dahil nagsimula ng kumanta si Rhea, naiiyak ako sa dating ng pagkanta niya.

.
| Always you will be part of me
And I will forever feel your strength
When I need it most
You're gone now, gone but not forgotten
I can't say this to your face
But I know you hear

I'll see you again
You never really left
I feel you walk beside me
I know I'll see you again

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now