♤Chapter 3♤

Magsimula sa umpisa
                                    

May lumapit sa amin na mukang waiter ata,kinuha niya ang lahat ng inorder ni Destiny,libre daw kasi lahat kaya ayun,puno na ata ang listan ng waiter ng dahil sa kanya.
Ayusin lang niyang mauubos niya lahat.
Habang nagaantay kami ng inorder ni Dest,at siya ay daldal ng daldal,nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Ngayon light red na ang ilaw sa buong paligid. Napansin ko rin na may isang counter doon at may mga taong nagoorder ng mga mamahaling alak.

"Uy!hindi ka naman nakikinig sa akin-do you want to drink?tara punta tayo don!baka pogi yung bartender!"napailing nalang ako at sumunod din naman sa kanya patungo sa counter.

"Mister,one tequila nga."iinom siya?pambihira.
"Wag kang maglapakalasing Dest,hihilain ko yang paa mo palayo sa lugar na to pauwi,swear."she just chuckled.
Iginala ko ulit sa paligid ko ang mga mata ko ng magbukas ang ilaw sa mini stage. Nagumpisa ng magingay ang mga tao. Anong meron? May magcoconcert ba?

"Here's your order miss."napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko. Nilapag niya ang inorder ni Dest. Nagulat ako ng masilayan ko kung sino ang lalaking bartender.

"Mr. Taxi driver!Chance Lim?bartender ka din?nagmumulti-task ka ba?"di ako ako makapaniwalang nakita ko ang lalaking to na naniningil ng luxurious bill sa pamasahe ng taxi,natatangi lang siya. Luxurious daw eh.
Hindi niya ako sinagot at tumalikod na at naghalo ulit ng alak na inoorder ng mga babae na gusto lang ata siyang masilayan.
Ang sungit sungit naman.

"Magkakilala pala kayong dalawa!amazing!kaya yan ganyan dahil seryoso siya sa kahihinatnan ng buhay niya sa future at oo nag mumulti-task yan,thats what he do for living."

"Kaya ba kayong dalawa nagkakilala kasi ilang beses mo narin siyang nakaengkwentro sa kung saan lupalop ka nagsusuot?"note of sarcasm.

"Kinda."nagkibit balikat pa siya at binalingan si Chance."Lim!bigyan mo na ngalang ng ice tea ang isang to!"sabay tungga niya sa alak na nasa glass.
Walang kaano ano ay binigyan ako ni Chance ng ice tea at nilapag niya sa harapan ko.

"Times four percent ang bayad mo dyan Chen."he plainly said and turn his back at us again.

"Walangyang mukang pera,makapangotong wagas,tipid ako hoy!"si Dest,hindi naman siya pinansin ni Chance at nagpatuloy sa ginagawa nito sa mga alak.

Napatingin kami pareho sa ministage ng may nag mic check at tumunog ang cymbals at ilang instruments.
"Good evening people!now we will introduce to you our special guest,the owner of this famous and well known restaurant,the Sync gang band!"nagingay ang paligid at parang umalingaw ngaw sa tenga ko ang sinabi sa ng mc. Natapat ang apat na spotlights sa apat na tao. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang Sync gang band! Wala sa sariling napatingin ako kay Destiny na makangiti wagas at makakaway sa mga taong nasa stage wagas. Nginitian naman siya ng mga ito.

"Hello everyone,my name is Eri Castillo for those who dont know me."siya ang nasa gitna at nakahawak sa isang electric guitar. Wow!nakita ko sila ng personal! Hindi mapawi sa mga labi ko ang pinakawalan kong ngiti.

"Hi sweethearts of mine!Daiki Garner here!"
Siya ang naghahawak ng keyboard.

"Rei Sanchez,now you know."siya ay nakaupo sa may drumset.

"Jiro Holman!nice to see you all!hope you will like our performance this night,because we prepared this performance to our special guest."nakangiting sabi niya. Napangiti ako,kung sino man yun ang swerte niya. I had been idolizing this band and hope to see them personaly,now my dream came true.

"That girl is over there,everyone!"napatingin ako sa direksiyon na tinuro ni Eri. Its in our direction.

"Yes!its me!no other than me!the beautiful goddess, me!"si Destiny. Natahimik ang paligid maski ako nagtaka din,kaming dalawa lang naman ang babaeng natitira dito sa bar counter eh.
"Joke!its not me!"at nagpeace sign pa ang bruhilda.

SPRING :Waking Up The Devil's Past(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon