PART 4

21 4 0
                                    

ALBERT POV

Pagkaalis ko kay Aling Pasing ay pumunta ko sa Carinderia bumili ko ng pananghalian namin ng Utol ko.

Mahal na mahal ko tong gagong to kahit iniinis ako lagi. Alam ko naman na maling gawain to, pero kung gagawa ako ng mabuti? Wala naman akong mapapala? Magkakapera ba ko? Hindi naman diba?

Buti nga pagnanakaw lang e... Hindi pagpatay.

" Isa nga po nito, saka nito. Saka apat na kanin. Balot." Sabi ko.

Naupo lang ako. Habang hinihintay yung order ko.

Naka sunbrero ko para hindi ako mahalata. Lagi ko namang suot to e. Tinggin ko kasi nagiging hot ako kapag suot ko to. Haha. Lol.

" Ito na yung Order mo iho."

" Ah.. Magkano ho?" Tanong ko.

" 90 iho, 50 yung dalawang ulam saka apat na kanin 40." Paliwanag niya pa.

" Okay po." Sabi ko saka ko binigay yung bayad. " Sa inyo nalang po yung sukli. Salamat po " sabi ko.

" Hoy!! Anong sukli!. 80 lang to!" Sigaw niya sakin pero di ko na siya pinansin. Nagmamadali ako.

Kulang ba yun? Diba 90? Sakto naman yung binigay ko ha. Apat na 20.

Hayaan mo na nga!.

Pagkadating ko sa bahay ay hinanda ko yung pagkain ko. Saka ako umupo sa upuan at humarap sa pagkain ko at sinimulang kumain.

Kain lang ako ng kain hanggang sa dumating ang Utol ko.

" Tol!. Halika, kumain ka na. Bumili ko ng pagkain sa karinderya. Halika sumabay ka na." Sabi ko sakanya at sumunod naman siya.

" Ano nakaim mo? Nandito ka sa loob ng bahay?" Tanong niya sakin.

" Mainit pa ko sa parak. Baka mahuli ako."

" Kuya, ako... Hindi ako nagkukulang sayo na pangaralan ka. Ayaw kong makulong ka. "

" Ayan na naman ba tayo? Kumain ka nalang muna." Sabi ko sakanya.

Sumunod naman siya sakin at di na nga nagsalita. Pero pamaya maya ay may naisip akong itanong sakanya.

" Nga pala, Tol!. Kayo ba nung babaeng pokpok dyan sa kabilang baryo."

" Hindi pokpok si Apple. Waitress siya sa isang bar."

" Beer house, Tama? Tol, wag kang tanga. Sasaktan ka lang nung babaeng yan. Peperahan ka lang din niyan."

" Hindi ganun si Apple. At lalong hindi siya pokpok. Kung iyon ang tingin mo sakanya? Ano pa si Ella? Mas pokpok si Ella, Kuya. Kaya ikaw ang tanga! Dahil nagpapagamit ka sa babaeng kung kanikanino nakikipag sex!" Sabi niya sakin saka naghugas ng kamay.

" Bakit sakin napunta usapan? Saka hindi ko syota si Ella. Kaya wala akong pakialam sakanya."

" Ewan ko sayo kuya. Hindi naman matigas ang puso mo!. Pero yang isip mo... Napakatigas! Ang hirap palambutan!. " Sigaw niya sakin kaya hinablot ko siya.

" Mas matanda pa rin ako sayo!. Kaya irespeto mo ko!."

" Kung gusto mong irespeto ka! Irespeto mo rin yung iba. Bitawan mo nga ako!." Sabi niya saka pumalag sa pagkakahawak ko at umalis.

Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko kayang saktan ang kapatid ko. Bahala siya. Panindigan niya ang paniniwala niya.

Nagulat naman ako at may kumatok sa pinto.

Baka pulis to. Leche!!.

Dahan dahan akong sumilip sa butas malapit sa pinto para makit kung sino yung nasa likod ng pinto.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now