PART 13

55 6 0
                                    

RAFAEL POV

" May dalaw ka Rafael." Sabi sakin nung isa kong kasamahan sa loob.

Ilang araw na kong nandito at okay lang ang pakikitungo nila.

Nakita ko naman yung pulis na pupunta sa selda namin para kunin ako at ipakausap sa bisita ko.

Hindi ko alam kung sino yun.

" Tapang naman ng pang amoy mo, Bata. Naamoy mo agad na may bisita ka. " sabi sakin nung pulis saka niya ko sinama sa visiting area.

Pagdating ko doon si Joseph.

Kasama niya si Marvelous at si Cocoy.

" bakit niyo ko dinalaw? Kalimutan niyo na ko. Ayaw ko kasi na mag iwan ako ng alaala pa sa inyo. Lalo na't alam ko na nasasaktan ko lang kayo. Hayaan niyo na ko na maghirap dito para pagbayaran yung kasalanan ko." Sabi ko sakanila.

" Queen of drama?" Sabi ni Cocoy.

" Beks?" Sabi ni Joseph.

Naiyak naman ako. Hindi ko alam kung bakit.

" Alam ko na yung totoo. Hindi ikaw ang may gawa nito." Sabi ni Cocoy.

Nagulat ako aaminin ko pero alam ko na kung sino ang nagsabi.

" Sorry, Pare. Hindi ko kayang nandyan ka tapos hindi naman ikaw yung may kasalanan." Sabi ni Joseph.

" wag niyong ipapakulong si Yumi."

" Pare. Kasalanan niya to. Kailangan niyang pagbayaran. Gusto mo nanaman bang magmukhang tanga?" Sabi ni Cocoy.

" Okay, lang na ako ang maghirap. Wag lang siya." Sabi ko.

"Mahal na mahal mo talaga siya? Kahit hindi ka niya mahal?"

" Ewan ko ba. Tanga nga ata ako. Tangang gago!." Tatawa tawang sabi ko.

" May balita nga pala kami sayo." Malungkot na mukha nila.

" makakalaya ka na mamaya.."

" Ha?" Takang tanong ko.

" Pero........ Ipapakulong ko si Yumi, pero hindi matagal na panahon. Gusto ko lang pagbayaran niya yung nangyari kahit saglit lang."

" Salamat." Nakangiti kong sabi.

Okay na rin siguro yun. Saglit lang naman e.

Mabilis lang yun.

Ayaw ko sanang pumayag kaso kaso, para na rin sa kaibigan ko,.

" Ano plano mo?"

" Uuwi muna kong Cebu. Tapos tatawagan ko yung pinsan ko sa New York itatanong ko kung meron pang lugar para sakin dun."

"Eron pa, Pare. Ikaw lang naman ang hinihintay dun e. Natandaan mo noong sabi mo na ayaw mo doon magtrabaho? Niloko ko sila. Sabi ko..... Gusto mo, pero bigyan ka lang ng time dahil gusto mong makasama ang pamilya mo. " kwento ni Joseph

" Salamat, Pare!." Sabi ko saka ko sila niyakap.

" Wala yun!. Napaka Beks mo naman!" Sabi ni Cocoy.

YUMI POV

Kinabukasan, pumunta kami ni Rochelle sa prisinto.

Dumiretso kami sa isang pulis tapos tinanong namin kung pwedeng kausapin si Rafael.

Pero nagulat ako nung sinabi niya na nakalaya na si Rafael.

Nangiti naman ako, kahit papaano.

Umalis kaming dalawa doon saka ko tinungo ang apartment ni Rafael.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now