PART 20

21 4 3
                                    

ALBERT POV

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.... Pero... Alam ko na totoo yun.

At naamin ko yun sa sarili ko at nasabi ko sakanya ng harapan dahil yun talaga ang nararamdaman ko.

Mahal ko siya!. Pero.... Hindi niya ko mahal...

Hindi ko naman inaasahan na kapag sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko ay sasabihin din niya sakin na mahal niya ko. Pero... Hindi naman mahalaga sakin yun dahil ang gusto ko lang naman ay malaman niya. At alam kong hindi niya ko mamahalin dahil nga mahal pa niya yung Syota niya. At.... Hindi niya ko kayang mahalin dahil nga magnanakaw ako. Kriminal ako.

Nagtago lang ako sa may bilyaran. May tindahan din dito kaya ang ginawa ko ay uminom ako. May natira pa naman akong pera e...

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to, pero siguro dahil na rin sa nasaktan ako...

Kasi nga naman ang taas ng pangarap ko... Nagmahal ako sa isang mayaman. Tsk tsk tsk!.

Ang tanga mo talaga Albert!. Hindi ka na nga nag aral! Wala ka na ngang alam! Hindi ka pa nagiisip ng mga bagay na alam mong wala naman katiyakan!.

" Kapag nasaktan kailangan umiinom? Boss!! Dalawang bote pa nga po!" Sigaw ni P.U.

Teka! Paano niya kong nasundan dito?

" Bakit mo ko sinundan? Umuwi ka na doon. Hindi ako tatakas."

" Alam ko.. Salamat boss!" Sabi niya saka dumating kasi yung inorder niyang beer kaya nag pasalamat ang gungong.
" oh, tigisa tayo." Dagdag niya saka binigay sakin yung beer. Kinuha ko naman.

" Bakit mo ko sinundan kung alam mo naman na hindi ako tatakas."

" Dahil alam ko na kailangan mo ng kausap. Kaya sinunsa kita."

" Kaya ko naman kausapin ang sarili ko."

" Kaya mo bgang kausapin ang sarili mo. Pero... Hindi mo naman makukuha yung totoong sagot na hinahanap mo...! Sabi niya kaya tiningnan ko siya.

" Ano ibig mong sabihin?"

" ibig kong sabihin.... Walang ibang mabubuo sa utak mo, kung sarili mo lang ang kakausapin mo.. Kung hindi ka makikipag usap sa iba... Wala kang ibang malalaman na sagot sa problema mo... At habang buhay langakukulong sa sariling paniniwala mo. Sa sariling pag iisip mo." Sabi niya saka uminom ng beer niya.

Tiningnan ko naman siya, at napagtanto ko na tama siya at naiintindihan ko yung punto niya.

" Bakit?? Marami ka bang alam?"

" Hindi naman ako matalino, pero.... Marami akong karanasan na pwede kong paghugutan." Sabi niya saka tumawa.

Parang kailangan ko sa oras na to ang bestfriend kong si Renz. Kamusta na kaya siya. Kamusta na nga kaya silang lahat. Lalo na ang kapatid ko.

" May balita ka ba sa mga kaibigan ko sa loob?"

" Meron. Masama. Kanina ko pa nga dapat ipapaalam sayo kaso parang busy ka."

" Ano?"

" Tumakas sila." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

Shit!! Sabi ko sakanila ni Jenna wag silang tatakas. Bakit sila tumakas!. Mapapahamak lang sila!.

" Nahuli na sila? Ibalik niyo sila sa kulungan. Kailangan naming pagbayaran ang nagawa namin. "

"Wag kang mag alala hinahanap na sila." Sabi niya sakin.
" Teka nga! Bakit ba iniiba mo ang usapan? Mahal mo ba talaga si Nichole??" Tanong niya pero sinimangutan ko lang siya saka ako uminom ng beer.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz