PART 4

26 6 0
                                    

ARNOLD POV

dalawang araw ang lumipas at halos hindi ako umaalis ng bahay.

Nagtetext sakin ang mga kaibigan ko, pero hindi ko sila nirereplyan. Tumatawag din sila pero hindi ko sinasagot at hinihintay ko nalang na magsawa sila kakatawag sakin.

Nag iigib ako ngayon, nang makita ko ang sasakyan ni Arthur. Magtataho pa sana ko kaso mukhang nakita na nila ko.

" Arnold!!! Pare!!" Sigaw sakin ni Kyle pagkababa niya ng kotse ni Arthur.

Hindi ko naman sila kinibo hanggang sa lumapit sila sakin.

" Pare, tara sama ka samin? "

" Kayo nalang... Marami pa kasing gawain sa bahay. Tutulubgan ko pa si Tatay mamaya na magsaka. " sabi ko. Pero totoo talaga na tutulong ako sa tatay ko na magsaka. Magsasaka kasi siya. Syempre!!.

" Pare naman. Your'e too obvious na iniiwasan mo kami. Una, hindi ka nagrereply samin. Pangalawa, hindi ka sumasagot sa tawag namin. At pangatlo, tinatanggihan mo na kami ngayon. Ano ba nangyayari sayo?" Sabi ni Lloyd

" Oo nga. Ano ba nangyayari? Galit ka ba samin?" Sabi ni Arthur saka yumuko at may sinabi na parang ang pagkakabasa ko sa labi niya ay
" Sakin?"

" Naku, Hindi!. Marami lang talagang gawain dito." Sabi ko sakanila.

" Oh? Bakit di kayo pumasok sa loob? Mainit dito sa labas. " biglang sabi ni Tatay. Kadarating lang niya galing sa sakahan.

" naku, wag na po. E.. Di naman po kami magtatagal. E sinusundo lang po namin si Arnold kaso, ayaw niya pong sumama." Sabi ni Kyle na alam kong inaasar ako. Para mapapayag ako .

Paraparaan kang mokong ka!.

" oh? E bat hindi ka sumama sakanila anak?"

" Marami po kasing gawain dito sa bahay, saka tutulungan ko pa kayo mamaya magsaka." Sabi ko.

" Hindi na, basta ba ang gusto ko.. Ngayong bakasyon mag enjoy ka. Wag mong ikulong ang sarili no dito. Dahil pag nagkaroon na ng pasok.. Hindi na kayo makakapag hang out magbabarkada."

" Pero, Tay kasi... Tutulungan ko rin si Ate magluto."

" Kelan mo pa nagustuhang magluto?" Tanong niya sakin. Tiningnan,ko naman sila isa isa at tumatawa sila sakin maliban kay Arthur.

Hindi ko na siya pinansin dahil alam kong kaya siya ilang ay dahil sa ginawa niya.

Huminga nalang ako ng malalim habang nakatingin ako kay Ate. Nakatingin lang siya sakin na parang nagtatanong kung, sigurado ba ko sa disisyon kong sumama sakanila.

" Sige na nga. Just wait for me in a few minutes." Sabi ko saka ako umalis at pumasok sa loob ng bahay.

Sinundan naman ako ni Ate sa kwarto ko.

" Hoy!. Bakit pumayag ka? Akala ko ba iiwas ka na MUNA."

" Wala naman akong magagawa."

" Haay.... Ewan ko sayo. Mag ingat ka nalang. " sabi niya at tumango naman ako saka siya lumabas ng kwarto ko.

Nagbihis lang ako, saka ako lumabas. Nakaligo na rin kasi ako kanina pa.

" Ayun!. tara na!" Sigaw ni Kyle.

" Let's get it on!" Sigaw naman ni Lloyd

Yan lang naman ang nadatnan ko paglabas ko. Bunganga ng dalawang yan.

Parang mga timang lang.

Dumiretso kami agad sa labas pagkatapos ko magpaalam.

" Lloyd dito ka na sa harap. " sabi ko.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now