PART 8

14 3 0
                                    

ALBERT POV

" pare, sigurado ka ba sa gagawin mo? Sasabihin mo talaga? Bukas mo na irereveal ang desisyon mo." Tanong sakin ni Renz.

Pangatlong araw na nang pagiisip ko... At desidido na ko.
Sa desisyon ko... At di na magbabago yun.

Si Renz lang kasi ang nakakausap ko dito o di kaya ay si Jenna. Hindi pa rin kasi kami nagbabati ni Cardo si Kris naman ay kampi sa lalaking yun kaya nakikigaya.

" Oo. Tuturo ko si Aling Pasing. "

" Ano?? Desperado ka na ba? Akala mo naman tutuparin nung babaeng yun yung sinabi niyang palalayain ka niya at tutulungan ka niyang makalaya."

" Hindi yun yung habol ko. Naisip ko kasi na..... Hindi na ko makakalaya dito, kaya ang gusto ko makatulong kahit papaano. "

" Aba!? Kelan ka pa lumambot!?"

" Hindi ako lumambot. Ako pa rin to. Naisip ko lang kasi yung Utol ko. Tama siya.... Ginusto ko to kaya magtiyaga ako dito. "

" Pero di mo kailangan tumulong sa iba."

" Pare, hindi mo ko katulad. Oo, magnanakaw ako. Pero hindi naman ako kasing sama gaya nang iniisip ng ibang tao." Sabi ko sakanya.

" Paano kapag nakalaya ka? Maiiwan kami?" Malungkot na sabi niya.

" Hindi ko kayo iiwan dito. Hindi ko rin kasi hahayaan na tulungan niya ko. Naaawa lang din kasi ako doon sa babaeng yun. "

" E paano si Ella? Hahanapin mo pa ba siya? Paano yung pinaghirapan mo? Ninakaw lang din niya."

" Yun nga yung mahirap e... Magnanakaw na ko, nanakawan pa ko." Tatawa tawang sabi ko.

Ewan ko ba!? Noong nalaman ko na iniwan ako ni Ella at tinangay lahat ng pera ko ay parang gusto ko siyang hanapin at pagbayarin sa ginawa niya.

Tinangka ko pa ngang isipin na tatakas ako. Pero ewan ko ba? Nitong nagdaang araw lagi kong naiisip na ako yung mali ako ang may kasalanan kung bakit ako nandito. At deserve ko to sa mga kasamaang nagawa ko sa kapwa ko.

Ang hirap pala talagang maloko at mawalan. Ngayon..... Alam ko na ang pakiramdam nun. Kaya nga naisip ko na sabihin na doon sa babae kung saan ko isinanla ang passport niya. Para naman kahit nasa loob ako ng bilangguan ay makakagawa ako ng mabuti sa kapwa ko at hindi puro gulo at pagnanakaw ang gagawin ko.

Hindi ko na hanggad ang makalaya. Ang hanggad ko lang ay makatulong.

Kailangan kong pagbayaran ang mga nagawa ko.. At dito ko lang nagagawa yun.

" Hoy!. Utol mo.!" Sabi sakin ni Renz. Kaya lumapit ako sa rehas.

" dinalhan kita ng Pagkain. Si Apple ang nagluto niyan. Hindi na siya sumama sakin dahil alam niyang ayaw mo sakanya." Sabi niya sakin.

" Bakit hindi mo ko pinatawag sa V.A" tanong ko sakanya.

" Hindi naman ako magtatagal e... Iaabot ko lang yan. Sige. Mauna na rin ako" sabi niya saka tumalikod. Tatawagin ko pa sana siya kaso mukhang hindi siya handang makinig sakin.

Hindi namam kami magkagalit pero alan ko na galit siya sakin dahil sa mga ginawa ko at kung nasaan ako ngayon.

Dapat pinakinggan kita. Pasensya na, Tol. Makulit ang Utol mo e. Pero sana maintindihan mo na kaya ko nagawa yun ay hindi lang dahil gusto ko.... Nagawa ko yun para mabuhay tayo parehas..

NICHOLE POV

" sigurado ka ba na papayag yun?"

" Sabi niya sakin pagiisipan niya."

" Pagiisipan? Idemonstrate mo nga yung salitang yun?" Sarkastikong tanong niya. Pero di ko siya pinansin at humarap ako sa laptop ko.

" From the word ISIP!. Gagamitin niya yun para gumawa ng desisyon? Right? Right!!" Tanong niya sakin pero siya ang sumagot. " PAGIISIPAN!.... Diba?? FUTURE TENSE!... it means..... Gagawa siya ng isang plano o isang desisyon sa dalawang bagay. Its either oo or hindi ang magiging sagot. In short..... Walang kasiguraduhan, INSAN!! baka umasa ka na naman sa wala." Sabi niya saka nagdabog dahil parang naiinis sakin.

" Its Either Oo or Hindi ang sagot niya. Hindi ako susuko. Kaya pwede ba? Wag kang maglecture dyan hindi ka lecturer" sabi ko saka humarap sa laptop ko.

" Ano ba kasi ginagawa mo dyan?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko.

" Gumagawa ako ng bagong Account. tapos makikipag friend ako kay Ahron. Pag kinonpirm yun. E di Bullseye! Di ba!?" Sabi ko

" E di wag ka ng makipag friend. Istalk mo nalang."

" mas mainam na yung plan ko,... Atleast... Hindi siya magtataka kung sakaling Ichat ko siya kung icoconfirm niya. Naisip ko kasi na kung istalk ko lang siya wala akong mapapala."

" Alam mo ikaw.... Gumagana utak mo, pag yang lalaking yan ang iniisip mo. " sabi niya pero di ko na sinagot pa siya. Aabot pa kasi kung saan yan for sure.

" Sama ka ba? "

" Oo!. Sasama ko! Hindi mo na nga ako sinama nung isang araw e " reklamo niya saka lumabas ng kwarto ko.

Bwiset talaga netong babaeng to napareklamador.

Nang nakonfirm ko na yung new account ko ay hinanap ko agad yung name niya saka ako nag friend request. Sa facebook lang ako gumawa ng bagong account ko. Hindi ko kaya yung marami. Mas active siya dito for sure.

Nang makapag sent na ko ng request ay pinatay ko na yung laptop saka ako tumuloy sa banyo ko at pagkatapos ay nagbihis ako.

" Let's go!" Maarteng sabi ni Sheen paglabas ko ng kwarto ko.

" Aba! Hindi ka naman nagmamadali?" Tanong ko sakanya saka ko sinara yung pinto ng kwarto ko.

" Hindi. Mabagal ka lang talaga."

" Sabagay... Wala ka namang pupuntahan doon diba? Kasi puro panget ang tao dun." Biro ko dahil alam ko kung bakit siya nagmamadali.

Gusto niya lang naman makita si Cruz. Yung pulis.

" Hoy hindi ah! May pogi doon. "

" Sino?" Tanong ko habang bumababa kami ng hagdan.

" Si Cruz." Sabi niya tapos tinakpan yung bibig niya.

Umiling nalang ako. Kireng keng

" Tara na, baka hindi mo makita si Cruz." Biro ko sakanya habang tatawa tawa.

Pinipilit ko lang tumawa para naman hindi ako ma depressed.

Ano kaya ang desisyon niya??. Hindi ko siya pinuntahan sa loob ng tatlong araw. Dahil alam ko baka lalong hindi siya pumayag kung sakaling kulitin ko siya.

" Let's go!" Sigaw ni Sheen habang ginagaya ang boses ni Ruffa mae. Pagkasabi niya ay pinaandar ko na yung sasakyan.

.....

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now