PART 12

11 3 4
                                    

ALBERT POV

" Albert?? Ikaw nga!!?" Pag uulit sakin ni Pepay. Anak ni Aling Pasing.

" Ako nga. Nandyan ba si Aling Pasing?" Tanong ko.

" Halika muna kayo, pumasok muna kayo sa loob. " sabi niya saka binuksan yung gate na kahoy.

" Hindi ba haunted house to?" Tanong ni M.B.

" Sheen. Manahimik na nga. " sabi ni Nichole.

" Tara pasok muna... Bakit ba kasi napasugod kayo kung kailan gabi? " tanong niya samin habang pababa na kami ng hagdan.

" May kailangan kasi kami kay Aling Pasing." Pag uulit ko.

" Ay teka lang?? Gusto niyo ba ng maiinom? Juice? Kape? Tubig? Ah!! Kape... Wait magtitimpla ko. Maupo muna kayo." Sabi niya saka kami pinaupo.

Naupo naman kami ako nandito ko sa may monoblock na upuan habang yung tatlo ay nasa mahabang upuan na kawayan.

" Nakakatakot naman dito? Sala na ba to? O kusina?"

" Labas pa lang ng bahay to. Nasa loob yung sala at kusina. Tanga." Sabi ko saka hininaan yung boses ko nung sinabi ko yung salitang tanga. Baka kasi magalit.

Pamaya maya ay dumating na si Pepay. May dala siyang mga kape.

" O uminom muna kayo. Pasensya na ha... Kape lang ang naihanda ko." Sabi niya.

" Okay lang, nga pala nasan si Aling Pasing?" Tanong ko

" Nga pala... Bakit kayo napunta? May kailangan ba kayo, Albert?" Tanong niya.

Sasapakin ko na tong babaeng to. Kanina ko pa sinasabi yung kailangan namin. Iniiba niya yung usapan lagi.

" Ahhh... Si Aling Pasing yung pinunta namin. Nandyan ba siya?" Tanong ni Nichole habang nakatingin saki . siguro naramdaman niya na naiinis na ko.

" Ahh.. Si Nanay! Wala siya. Kauuwi niya lang nung isang araw dito.. Pero umalis din agad. Pumunta sa Obando. Nanganak kasi yung Tita ko, ang paalam niya is.... 1 week lang siya doon. Bakit?" Paliwanag ni Pepay. Tiningnan ko naman si Nichole at nakita ko ang pagkadismaya niya.

" Pwede ba naming malaman yung Address?" Tanong ni P.U

" naku! Hindi ko alam, hindi pa kasi ko nakalapunta doon. Saka kasi balita ko sa mga kamaganak namin doon.. Palipat lipat sila ng bahay. Nangungupahan lang kasi. E si nanay lang ang nagpupunta doon lagi kaya siya lang angay alam." Mahabang paliwanag niya.

" Pwede ba kamingakitulog nalang dito? " Tanong ko.

" Okay lang. Wala naman akong kasama e.. " sabi niya

" My God. This place talaga is so... Creepy. Nakakatakot!." Pagarte na naman ni M.B.

" Aba, Girl! Maghanap ka ng tutulugan mo!" Sabi ni Pepay " Tara sumunod kayo sakin ituturo ko yung kwarto niyong tatlo."

Tatlo??? Apat kami e...

Hahaha. Nainis nga pala siya kay M.B. ang arte kasi e.

" Hoy, sama ko. Joke lang naman e. Para ngang mansyon yung bahay niyo." Paghabol niya sin dahil papasok na kami sa loob nung bahay.

May hagdan sa gilid ng bahay pagdating sa dining. Magkatabi lang kasi ang Dining at Kitchen ng bahay

Umakyat kami sa hagdan at tinuro niya yung kwarto.

Pagkaakyat mo ay may kwarto agad kapag lumakad ka pakaliwa.

" Kayong dalawang babae. Dito kayo. Si Nanay lang ang natutulog dyan pag umuuwi siya dito." Sabi niya.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon