PART 13

50 6 0
                                    

MAGGI POV

' Diana Salvador ' bulong ko sa sarili ko.

Sino yun??..

Tiningnan ko naman si Henry. Seryoso siya.

" Henry??" Tawag ko.

" She's my Sister. Siya ang nagturo sakin magluto. Siya ang nagturo sakin kung paano maging matapang, at tumayo sa sariling paa." Kwento niya.

Ahh....

" Ano kinamatay niya?" Tanong ko.

" Pinapatay siya....... Nung kaibigan niya. Dahilan?.... Selos." Sabi niya saka tumingin sakin

Nakakaawa naman pala ang sinapit ng ate niya.

" Ang nakakaasar don..... Kasama niya ko, pero hindi ko siya nailigtas." Sabi niya saka siya umiyak.

Niyakap ko naman siya para maibsan yung sakit na nararamdaman niya.

Pagkayakap ko sakanya, ginantihan niya ko ng yakap.

Ang higpit noon...

Pero nagulat ako dahil sa hindi kalayuan...

Nakita ko si Diana.
. yung mabait na nilalang na nagbigay sakin ng tshirt.

Pero  kinilabutan ako sa naisip ko.

Hindi kaya si Diana na nakikita ko? Ay yung Diana na kapatid ni Henry??

Pero bakit naman siya sakin magpapakita. Wala naman akong ginawa diba?.

" Henry? May picture ka ng ate mo?" Tanong ko saka bumitaw sa pagkakayakap ko sakanya.

" Meron."

" Pwede kong makita?" Tanong ko sakanya.

" Sure." Nakangiting sagot niya.

Kinuha niya yung wallet niya then pinakita sakin yung picture.

" Eto oh." Sabi niya then pinakita sakin yung picture.

Tiningnan ko naman yun.

At





Siya nga!!!.

Hala!!!.

" Ano nangyari sayo? "

" Nandito siya ngayon, Henry." Sabi ko.

" Sino si Ate?" Tanong niya pero tumango lang ako saka ako lumapit kung saan ko nakita si Diana.

Narinig ko pa na tinawag niya ko pero dumiretso lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para lapitan siya.

Pero.... Wala naman magagawa yung takot ko diba?

" May gusto ka bang sabihin sakanya?" Tanong ko kay Diana nung makalapit ako sakanya.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Henry, pero di ko siya pinansin.

" Paki sabi sakanya, mahal na mahal ko siya. Sila nila Mama. " sabi ni Diana sakin.

" May pinapasabi sayo ang ate mo." Sabi ko kay Henry.

" Ha?"

" Mahal na mahal ka daw niya, pati ang Mama mo at si Princess" sabi ko pero nagtataka siya.

" Ano ba sinasabi mo?" Tanong niya pero di ko siya pinansin.

" Paki sabi rin sakanya na, wag niyang sisihin ang sarili niya. I deserve this. Dahil niloko ko ang kaibigan ko. Nakipagrelasyon ako sa boyfriend niya."

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt