EPISODE 2 : THE SECRIFICE LOVE

79 7 0
                                    

paano nga ba masasabi na mahal mo ang isang tao?

Kailangan ba pahirapan mo siya, para lang malaman mo kung mahal ka niya talaga?

Oo! Alam mo na mahal ka niya dahil pinapakita niya yun sayo?

Pero sapat na nga ba yun?

Kaya niya kayang pagtyagaan ang kamalditahan, kasosyalan, at pagiging moody mo.

Ako kasi....... Iyan ako ...

Ganyan ang characteristic ko....

At ito ang kwento ko.

........

YUMI POV

Kadarating ko lang sa opisina namin.

Syempre,, pinagtitinginan ako saka ginagalang dito kaya halos lahat ng empleyado namin ay yumuyuko kapag nakikita ko.

Lahat ng mga nakakasalubong ko ngayon ay bati ng bati sakin... Subukan lang nilang wag along i'great. Ipapatalsik ko sila.

Sumakay ako sa elevator.

At nakasabay ko si Marvelous. Pinsan ko.

Mabait yan. At higit sa lahat. Uto uto!.

" Pakipindot yung 5" sabi ko.

Sumunod naman siya saka yumuko.

Pagdating doon sa 5th floor, syempre bumukas yung elevator kaya lumabas ako.

Pagkapasok ko doon ay nagtitinginan sila sakin.

" Ma'am, yung Daddy niyo---"

" Diba tumawag ka na sakin kanina? Wag paulit ulit. Kuha mo ? Back to work!" Sigaw ko kay Rochelle saka ako dumiretso sa office ko.

" Oh, Daddy!" Bati ko sakanya.

Niyakap ko naman siya, ganoon din siya.

" Good Morning,...... Ma'am".

Mukhang nag aalinlangan pa tong tawagin akong ma'am.

" Ikaw!. Ano ba talaga trabaho mo dito? Secretary ba talaga kita, o baka naman nag oO.J.T kalang?" Tanong ko kay Rafael.

" Sorry, ma'am."

" Anak, bakit ba ganyan ka? Kailan ka ba magbabago?"

" Hindi na ko magbabago, Dad. Minahal niyo kong lahat ng ganito, pwes... Isumpa niyo ko hanggang sa huling araw ng pagkikita kita natin."

" Pardon?"

" I'm not pertaining to you, Dad. I mean... Sa mga empleyado. EMPLEYADO!" pagdidiin ko ng empleyado kay Rafael.

Pagkatapos kong sabihin noon, ay umupo ako upuan ko.

" Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" Tanong ko kay Rafael.

" Yes, Ma'am" sabi niya salka ngumiti sakin.

" Wag mo kong nginingitian." Sabi ko.

Saka ko tiningnan yung pinagawa ko sakanya.

" My God!!! Ito na yung pinagmamayabang mo? Wow!! Kahit ata, Elementary kayang gawin to! Ano ba!! Wake up, Idiot!"

" Yumi!!" Sigaw sakin ni Daddy kaya natigilan ako. " That's too much! Boyfriend mo ang pinahihiya mo sa harapan ko!" Sabi niya.

Oo!, Boyfriend ko si Rafael.

At kung bakit ko yun ginagawa, it's all because, ayaw komg malaman ng kung sino man na siya ang boyfriend ko.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora