PART 3

17 4 0
                                    

JENNA POV

Nandito kami ni Renz sa bilyaran. Pinaguusapan namin yung tungkol kay Albert nang makita namin si Tj, kapatid ni Albert.

" Tj!!" Sigaw ko. Tumingin naman agad siya sakin saka lumapit.

" Bakit?" Inis na tanong niya.

Ang init naman ng ulo nito.

" Nakauwi na Kuya mo?." Tanong ko.

" Oo, nandun. Kung gusto mo samahan mo. Tutal... Pare prehas kayo.... Pare parehas kayong kriminal!." Mahinang sigaw niya saka kami tinalikuran.

Ano problema nun? Tiningnan ko si Renz at tumatawa siya.

" Nag away nanaman yung mag utol na yun, teka? Kanina pinaguusapan lang natin si Albert? E bakit ngayon hinahanap mo? Ayiieee.... Ikaw ha!. May gusto ka sakanya ha!." Pang aasar niya.

Oo!. May gusto ko kay Albert. Kaya nga inis na inis ako sa twing nakikita ko siyang kasama yung Ella na yun e. Napakalandi.

" He!. Tigilan mo ko!" Sabi ko saka ako tumira. Naglalaro kasi kami ng bilyar at one on one kaming dalawa ni Renz.

" Ako pa ba ang lolokohin mo? Matagal ko ng alam na may gusto ka kay Albert. Bat kasi di mo pormahan."

" Gago ka ba!? Babae ako. Nakakahiya naman kung babae pa ang poporma sa lalaki no!" Anggal ko.

" Paabot nga nung isang tako... Hindi mahusay to. Kaya nadadaya mo ko." Sabi niya kaya inabot ko yung tako doon sa lalagyanan at inabot sakanya. Siya na kasi ang titira kaya humahanap siya ng magandang pwesto para maipasok yung no. 4 sa butas. " e di... Nagseselos ka kay Ella?" Sabi kiya saka tumira at yun......... Pasok.

" Bakit naman ako magseselos." Sabi ko at tumawa siya. " May nakakatawa?" Tanong ko.

" Alam mo, buti pa si Ella. Kahit hindi sila mag on ni Albert, nakakaiscore siya. E ikaw? Hanggang TINGIN SCORE kalang! Haha."

" Gusto mong baliin ko sayo tong tako na to!?"

" Ang akin lang kasi Pare, este Mare haha.... Okay seryoso na... Magbihis babae ka. Hindi yung para kang susugod sa laban. Tingnan mo nga yung ayos mo!? Kahit ako hindi kita papatulan e!" Sabi niya kaya hinampas ko siya nung tako.

Gagong to!. Ano akala mo sakin? Lalaki.

" Hahaha.... Ang babae kasi... Parang si Ella... Hindi katulad mo... Babaeng nagbibinata!! Hahaha" sabi niya sabay takbo kaya hinabol ko siya.

" Hoy!. Bwiset ka talaga!!" Sigaw ko sakanya.

Ang lakas mang asar nitong bwiset na to e!.

Pag naabutan kita kakalbuhin kita.

NICHOLE POV

Nandito kami ngayon sa Police Station. Ichecheck ko kung nahuli na nila yung lalaki.

Gusto ko ng makuha yun dahil kating kati na kong makauwi ng Canada para makausap si Ahron. Hindi ko kasi kayang mawala siya...

" Chief naman. Akala ko ba hahanapin niyo?"

" Ms... Hindi po madaling hanapin ang taong magaling magtago. Sabi ko naman po sa inyo diba? Tataqagan namin kayo kapag may update na? Saka hindi naman po kami humihinto sa paghahanap sakanya dahil marami nang reklano yung Boy Tisoy na yun... At puro pagnanakaw ang sangkot niya."

" Wala po akong pakialam, Chief sa ibang kaso niya. All i want is mahuli siya at makuha yung passport ko at yung Iphone ko!. That's all!!." Sigaw ko sakanya.

" Miss. . kaya nga po maghintay lang po kayo. Hindi naman po kami titigil. 24 hours po naming binabantayan yung mga posibleng lugar na pagtataguan niya."

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now