PART 2

21 5 0
                                    

ALBERT POV

" Napagod ako. Wala kang kupas. " sabi ni Ella habang nakahiga sa bisig ko. At nakayakap sakin. Tanging kumot lang ang nakatakip sakanyang katawan at ako naman at naka boxershorts na.

" Hindi nga nakakapagod e, gusto mo pa ba ng round 2?" Tanong ko. Kaya natawa siya.

Nagulat naman kami dahil biglang bumukas yung pinto.

" Oh!..... May milagro pala silang ginawa." Pangunguna ni Renz. Bestfriend ko.

" Balita ko, Tisoy. May na biktima ka. Malaki ba yung nakuha mo?" Tanong sakin ni Cardo.

" Wallet lang. Tapos etong bag... Kaso ang laman lipstick at Make up. Kaya binigay ko na kay Ella." Sabi ko at hinagis sakanya yung Wallet. Nasapo naman niya at agad niyang binuklat.

" hahaha. Malaki na rin tong limang libo. Okay ka talaga bata. May parte ka na ba?" Tanong niya sakin.

" Meron na... Kinuha ko na tong cellphone. Ibebenta ko, para magkapera." Sabi ko pero ang ipinakita ko ay yung cellphone na nakuha ko doon sa lalaki. Baka kasi mamaya ay makipagpalit pa siya, mas mahal kasi tong magandang cellphone na to. Iphone ang tatak e. Hahaha.

Mautak ka talaga, Albert!.

" O may A.T.M pa!. Magkano kaya ang laman nito?. O may passport pa!. Sayo na to, Albert!. " sabi niya saka hinagis sakin yjng passport.

" Aanhin ko to?." Tanong ko.

" Isanla mo. Tutal maliit lang ang halaga niyang Cellphone na yan. Baka 500 lang kunin sayo yan." Sabi niya sakin.

Ako ba talaga ay nilalapit ng Diyos sa Grasya? Hahaha. Okay! Tanggapin!!.

" Sige, Cardo!. Salamat." Sabi ko sakanya.

" Tara na mga bata!. "

" Oy! Albert!. Hinahanap ka ng kapatid mo! Magingat ka sa pulis!. Mainit ang mata nila sayo.!" Paalala sakin ni Kris. Kaya tumango ako.

Napansin ko naman na nakatingin sa katawan ko si Jenna, kaya ang ginawa ko ay tiningnan ko pa yung sarili kong katawan saka ko ulit siya tiningnan.

Hahaha.... Alam ko na...

" Jenna, Baka malusaw naman ako. Gusto mo bang hawakan?" Nangaakit na tanong ko sakanya kaya nagising siya sa realidad.

" Ano?? Anong.... Ano ka dyan!. Gago ka ba!? Hindi tayo talo. Gago!." Sigaw niya sakin.

" Kunwari ka pa!. "

" Hoy, kung ikaw lang din naman. Wag na! Baka mamaya mahawa pa ko sayo ng HIV." Sabi niya saka lumabas.

" O sige, tisoy!. Una na kami. Salamat dito!." Sabi ni Cardo at lumabas sila.

Nang asar pa si Renz bago lumabas ng bahay ni Ella.

Loko loko!!.

Tumayo ako saka ko sinuot yung pantalon ko.

" uuwi ka na?" Tanong sakin ni Ella.

" Oo. Wala pang pagkain yung Utol ko. Kawawa naman. " sabi ko saka ko ibinulsa yung cellphone at yung passport. " Ikaw na ang bahala sa Pera ko ha!. Marami na kong naibibigay sayo. Baka naman gastusin mo... O kaya e ilaglag mo ko. " paniniguro ko sakanya.

" Ako pa ba? Halos lahat na nga e nakuha mo na... Tapos..... Ilalaglag kita?" Malanding sabi niya habang nakayakap sakin.

" Sige na, magbihis ka na. Uuwi na ko." Sabi ko saka tuluyang lumabas.

Sinuot ko yung sumbrero ko habang naglalakad para walang makakita at makakilala sakin.

Takot din kasi sakin ang mga tao dito at karamihan sa kanila ay kaibigan ko kaya hindi sila magsusumbong kung nasaan ako. Pero kailangan pa ring mag ingat... Baka mamaya ay may makapuslit na pulis dito at hulihin nalang ako bigla.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang