PART 7

19 4 0
                                    

COLLEEN POV

Nandito kami ngayon sa swimming pool. Naliligo kaming lahat maliban sa pasaway kong boyfriend. Kilala niyo naman na siguro kung sino yung tinutukoy ko diba? Si Arthur yun kung hindi niyo alam.

" O sige. Kampi kami ni Kyle tapos kayong dalawa ni Colleen." Sabi ni Lloyd habang hawak yung bola. Naglalaro kasi kami ng volleyball dito sa tubig.

" Guys. Daya niyo ha!. Di niyo ko niyaya." Biglang singit ng isang boses kaya tumingin kami sakanya.

Si Arthur pala.

" O? Okay ka na ba?" Nagaalalang tanong ni Arnold.

" Oo. Okay na ko. Ginamot mo na e." Sabi naman niya.

Ang weird ha!. Kanina ako nag piprisinta na gamutin siya pero ayaw niya. Tapos nung si Arnold ang nag offer tinanggap niya.

May mali talaga e.

May nararamdaman akong kakaiba.

Kung ano yun, hindi ko alam. At yun ang aalamin ko kung sakaling meron man.

" Sali ako." Sabi niya saka tumalon kaya napunta samin lahat ng tubig. " Kampi kami ni Arnold kayong tatlo nila Colleen. Go!." Sabi niya saka inakbayan si Arnold. Nakita ko naman na parang naiilang si Arnold.

Kilala ko si Arnold, may problema yan kapag ganyang ka cold. Mapagpasensyang tao yan. Mabait. Pero.... May hindi pa ba ko nalalaman tungkol sayo?

" Colleen!!" Sigaw ni Kyle, pero pagtingin ko huli na ang lahat sapol ako sa mukha ng bola sa mukha ko.

" Aray!" Angal ko. Pero sa halip na lapitan at ikomport ako ng boyfriend ko pinagtawanan niya lang ako sa may gilid.

" Okay ka lang? Sorry. Kasi tinatawag kita e ayaw mong lumingon" paliwanag ni Lloyd.

" Okay lang." Sabi ko sakanya saka ako lunakad papunta sa hagdan nung pool.

" Saan ka pupunta?" Tanong nila.

" Ayaw ko na. Inaantok na ko." Sabi ko saka ako umalis.

May iba talaga.. Sobrang pagbabago yung nararamdaman ko.

Ayaw ko namang sabihin na.... Bakla yung dalawa dahil alam kong hindi naman...

Lalo na si Arnold. 4 years ko nakasama yan at alam kong hindi siya ganun.

Si Arthur naman, kilala na siya noon pa ni Arnold pero ako nakilala ko lang siya 2 years pang nakakaraan..

Ano kaya ang tinatago niyong dalawa?.

Sana malaman ko na, dahil halata ko ang mga kilos niyo, kahit hindi niyo sabihin. Nakikita ko..

ARNOLD POV

" Hayaan niyo siya. Tara game! " sabi ni Arthur saka ibinato yung bola kay Kyle.

Ano ba nangyayari sa lalaking to. Sinapian ba to ng demonyo? O ng diyablo?

Bakit ganun siya kung kumilos. Bakit ganun siyang makitungo sakin lalo na kay Colleen.

" Ayaw ko na rin. " sabi ko saka umalis.

Naramdaman ko naman na sumunod sila sakin.

Lakad lang ako hanggang sa maabutan ako ni Arthur saka ako sinundan.

" san ka pupunta? Matutulog ka na?." Tanong niya habang hinahabol ako sa paglalakad. Binibilisan ko kasi talagang maglakad para maiwasan ko na siya.

" Ahh... Magbabanyo ko. Magpapalit na ko ng damit." Sabi ko saka ako pumunta sa Cottage at kinuha yung damit ko dun na inihanda ko na talaga para kako hindi na ko pumasok sa room ko kung sakaling matapos kaming mag swimming.

" Okay. Sama na ko" sabi niya saka tumakbo.

Nagmadali naman ako para hindi na niya ko maabutan.

Nang makapasok ako sa banyo ay nagshower ako ng mabilis. Nagsabon. Naghilod. Nagshampoo saka nagbanlaw.

Paglabas ay nakita ko siy na nakatapis ng tuwalya.

Nagiwas ako ng tingin dahil nga sa iniiwasan ko ng mahulog sakanya. At ayaw kong masaktan yung kaibigan ko. Tama ng nalaman niya yung totoong nararamdaman ko para naman hindi ako nagdurusa at nagtatago. Pero yung sabihin niya na ganun din ang nararamdaman niya sakin.... Hindi ko kaya.

" Saan ka pupunta? Dito ka muna. Samahan mo ko." Sabi niya.

" Naka drugs ka ba?"

" Hindi. Pero naaadik ako sayo." Sabi niya sakin.

" Please nga. Wag mo kong tarantaduhin. Tigilan mo ko." Sabi ko saka ako umalis. Hindi naman na siya sumunod sakin.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating sa room ko.

Nakita ko naman yung cellphone ko na umiilaw kaya kinuha ko yun, at bago pa man mag'ring ay sinagot ko na yung tawag.

" Hello. Ate, Bakit ka tumawag?" Tabong ko pero umiiyak lang siya.

" Ate bakit ka umiiyak?"

" Si Bunso kasi, naaksidente. " sani niya kaya para kong tanga na napatayo nalang sa kinatatayuan ko.

Niligpit ko agad yung mga gamit na binigay ni Arthur at nilagay ko sa backpack saka ko nilocked yung pinto para umalis.

Wala namang nakakita sakin kaya hindi na ko nagpaalam pa.

Nag aalala ako sa kapatid ko kaya nagmadali ako. Hindi ko kakayanin kung may mangyayari sakanya.

Sumakay ako agad ng bus. Buti at naabutan ko pa ang last trip pauwing manila..

Medyo matagal ang biyahe.. Kaya abg ginawa ko tinext ko si Ate. Nagreply naman siya agad at nalaman ko nga na nabundol ang kapatid ko ng sasakyan. Hindi ko na kasi naitanong pa yun kanina ng tumawag siya dahil nataranta na ko at gustong gusto ko na agad umuwi.

Nang makarating ako sa Manila ay Madaling araw na. Pero hindi iyon naging hadlang sakin dahil agad akong sumakay ng Tricycle para makapunta ng ospital.

Saglitan lang yun naging biyahe dahil matulin magmaneho yung driver.

Binayaran ko naman siya ng 200 pesos dahil iyon ang siningil niya sakin. Ang hirap talagang sumakay ng Tricycle kapag gabi at mag isa ka. Ginugulangan ka.

Nagmadali na kong pumasok sa ospital pagkabigay ko ng bayad.

Tinungo ko agad yung Room no. Na sinabi sakin ni Ate. At pagdating ko doon nakita ko ang kapatid ko na may benda sa ulo.

" Ate. Nay. Tay." Tawag ko sakanila habang maluha luha ako. " Ano nangyari? Bakit nangyari to?"

" Anak, hindi rin namin alam nagulat nalang kami at sinabihan kami ng kapitbahay na naaksidente nga daw ang kapatid mo." Kwento ni Nanay.

" Sino yung nakabundol? Nahanap ba?"

" Oo. Siya na daw ang bahala sa kapatid mo. Sagot daw niya lahat ng gastos." Sabi ni Tatay.

Nilapitan ko naman yung kapatod ko saka ko hinimas yung buhok niya.

" Hindi pa siya nagigising mula kanina." Sabi ni Ate sakin.

" Matulog ka muna, Anak. Pati tuloy ikaw napauwi ng biglaan sahalip na nagsasaya ka kasama ng mga barkada mo."

" Wala po yun, Nay. Mas gusto ko naman na kayo ang unahin ko kaysa sa iba diba?" Sabi ko saka ako tumayo at niyakap sila.

" Matulog ka muna. Mahiga ka muna dyan sa Upuan na mahaba. Kami na ang bahala sa Kapatid mo." Sabi ni Tatay. Ngumiti naman ako sakanya saka ko siya sinunod.

inaantok na kasi ko talaga. Kanina pa. Kaya hindi na ko nagpapilit pa sakanila.

.......

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang