PART 23

25 3 1
                                    

ALBERT POV

" Lord! Salamat po at natauhan na ang aking pinsan na hindi na po talaga siya mahal ng siraulong Ahron Legazpi na yun. Sana po ay gabayan po ninyo ang kaluluwa ng bakulaw na yun...." Si Sheen habang naririnig kong nananalangin

" Panginoon, salamat sa mga biyayang ipinagkaloob po ninyo sa amin. Naway gabayan po ninyo kami sa aming mga tatahakin sa buhay. Sana rin po ay mahuli na ang mga masasamang tao na nakuha pang tumakas sa loob bg bilangguan. Kayo po ang inaasahan namin na mas tutulong sa amin...." Dasal naman ni PO2 Cruz na nasa gilid ko.

" Lord, patawin po ninyo kami sa mga kasalanang nagawa namin. Ipinapangako ko po sa inyo na hinding hindi na po ako gagawa pa ng kahit na anong anumalya pa. Kayo na po ang bahala saming tatlo nila Bestfriend Albert at Jenna na parang kapatid ko na rin....." Si Renz naman yan.

Bakit ba ang isinisigaw nila yung mga dasal nila??

Nakadilat lang kasi ako hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimulang magdasal ngayong nasa simbahan kami.

Para nga akong sinusunog sa mga oras na to. Hindi ako sanay pumasok sa ganitong lugar. Pero dahil pinilit nila ko at nangako ako kay Nichole ay pumasok pa rin ako.

Suot nga niya yung damit na binili ko sakanya e...

" Patawarin niyo po ako, sa gagawin kong disisyon. Ayaw ko pong gawin to pero alam ko naman na.... Kaya niya pong lagpasan at ipagtanggol ang sarili niya laban sa gagawin nilang plano.... Kayo na po ang bahala panginoon..."

Naging makabuluhang tanong naman sa isipan ko ang marinig ko mula kay Jenna. Nasa harap kasi namin sila. Katabi niya sa kanan si Renz. At sa kaliwa niya si Pepay na tahimik lang na nagdadasal.
Tapos nasa likod naman kaming apat nina Sheen, Nichole, Ako, at Cruz. Yan yun ayos ng upo namin.

Ano kaya yun? Anong disisyon?? Anong plano?? May mapapahamak ba?? Kung meron?? Sino?? Bakit??

" Una po, Sa lahat... Gusto ko pong pasalamatan ang Dakilang kayo Panginoon..." Sambit ni Nichole. Kaya tumingin ako sakanya. Nakaluhod kaming lahat sa luhuran pero ako hindi ako nagdadasal. Eee... Hindi ko alam kung paano e..

" Alam ko pong binigyan niyo ko ng pagsubok na dapat kong lagpasan... At sa pagsubok na yun.. Nakakilala ko ng isang tao na hindi ko inaakala na magbibigay saya at magpapabago sa buhay ko.... Nagpapasalamat ako sayo panginoon dahil you made this situations for a reason... Reason na.... Magpapaalam sakin na wala na kong dapat pang balikan at mahalin pa sa Canada. Iyon pala yung ibig mong sabihin..... Kaya pala ninakaw yung passport ko dahil sign na pala yun na wag ko ng balikan pa ang naiwan ko.... At yung magnanakaw na ibinigay mo na kumuha ng passport ko.... Siya pala yung magpapabago ulit sa takbo ng buhay ko.... Salamat panginoon... Sa mga blessings at pagsubok. Sana po ay wag ninyo akong pabayaan. Lalo na po si Ate na sana ay magkabati na kami. Ikamusta niyo nalang po ako kay Daddy, Kay Lolo, Kay Lola at Kay Mama. Salamat po....."

Napangiti naman ako sa mga narinig ko pero hindi ko alam kung bakit. Nung nakita ko na parang tapos na siya ay nagkunwari akong nagdadasal.

Paano ba ang gagawin ko... Hindi ko alam ang sasabihin ko.... Kailangan marinig din nila ko para alam nila na desidido talaga kong sumamang magsimba.

" Diyos ko... Hindi po ako sanay magdasal... Aaminin ko po na hindi ako marunong mag english......" Pangunguna ko tapos narinig ko na may mga bumungisngis ng tawa.

Bakit ba sila tumatawa?? May nakakatawa ba sa sibasabi ko??

" Sana po ay... Bigyan niyo ng lakas ang bawat isa. At sana po ay tuparin po ninyo ang mga dasal ng mga taong naniniwala sa inyong kakayahan. Yun lang po. Salamat." Sabi ko saka ko sila ginaya dun sa mga sign na gingawa nila. Alam ko naman ang pagkakasunod sunod nun pero hindi ko talaga madalas gawin yung magdasal at pumasok sa simbahan.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя