PART 6

34 5 0
                                    

RAFAEL POV

Nagpunta ko ng ospital just to know if ano na ang lagay ni Cocoy.

Pero pumunta muna ko ng market para bumili ng mga prutas, para kay Cocoy.

Pagdating ko sa ospital at pagpunta ko sa kwarto nila ay naabutan ko silang nagtatawanang tatlo.

Nagulat naman sila nung nakita nila ko, pero hind exagge nna pagkagulat. Sakto lang.

" Rafael!. Tuloy ka." Sabi sakin ni Marvelous.

Tumuloy naman ako, saka ko sinarado yung pinto.

" may dala pala kong paborito mo, lansones, ubas saka mansanas. Sana tanggapin mo." Sabi ko. Pinangunahan ko na siya dahil baka sabihin niya na hindi niya kailangan to.

" Ibaba mo nalang dyan." Sabi niya saka nagiwas ng tingin.

Nangiti naman ako saka si Marvelous.

Sigurado ko na... Kinausap sila ni Marvelous..

So...

Thanks kay Marvelous.

" Lalabas muna ko,. Magusap muna kayo dyang mga panget." Sabi niya. Saka tumingin sakin na parang nagsasabi na ikaw na bahala.

Nang makalabas siya ay huminga ko ng malalim.

" Mga, Pre. Sorry. Di ko naman gusto na wag kayong siputin e."

" Okay na. Alam na namim yung dahilan mo.. Sinabi na samin ni Marvelous,"

" Ano sabi niya sa inyo?"

" Pinagbabawalan ka daw ni Yumi makipagkita samin, makipag halubilo." Malungkot na sabi ni Joseph.

Nalintikan na!.

" Sorry. Ano kasi..." Sabi ko pero pinutol nila sasabihin ko

" Naiintindihan namin. Kailangan mo siyang sundin kasi..... Mahal mo siya diba? At minsan lang ang katulad niya sa buhay mo." Sabi ni Cocoy.

" Hayaan mo na yung nangyari!. Hindi nalang kami mageexpect ng mga bagay bagay katulad noon. " sabi ni Joseph

" Saka, barkada ka namin. Yun nga lang, may limitasyon ka sa samin. Pero, Pre. Naiintindihan ka talaga namin." Sabi ni Cocoy.

" Mahirap makulong sa ganyang sitwasyon. Kaya sorry rin kung hinusgahan ka namin agad." Sabi ni Joseph saka ako niyakap.

" Ay naku! Ang mga beks naman o! Naglanturan pa! " Nag babakla baklaang sabi ni Cocoy.

Kundi lang to pilay, pinukpok ko na to.

" Gaga!. Kulang pa kami!! Halika't kuyugin ang lumpo!" Sabi ni Joseph saka namin pinuntahan si Cocoy.

Para kaming mga babae, dahil sa pagiging close namin pero hanggang dyan lang kami, alam naman namin ang limitation namin.

Haha.

" Sorry. Talaga." Bulong ko.

" Queen of drama ka ba? Kulit mo." Sabi ni Cocoy. Saka ki nagtawanan.

" pero, Pre.... Mag ingat ka. Kasi... Yung ganyang klase ng mga babae...." Sabi niya aaka umiling.. " Niloloko ka lang niyan. What i mean is.... Kinahihiya ka... Ginagawa kang under.... At higit sa lahat... Ginagawa kang uto uto... No offense ha!. I'm just saying my side."

" oo nga pre, hindi pagmamahal yun. Pagpapahirap."

" So pinalalabas niyo na.... Ginagamit niya lang ako?." Mahinahong tanong ko.

" Sabihin natin na parang ganun.... Pero.... Sabi mo mahal ka naman niya.... Kaso may mali talaga. Ayaw ko lang sabihin kasi, alam ko masasaktan ka lang." Sabi ni Joseph sakin.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat