PART 10

27 4 0
                                    

ARNOLD POV

Paglabas ko. Nag abang lang ako ng Taxi.

" Arnold san ka pupunta? Sayang naman yang suit na regalo ko sayo. Nagustuhan mo ba?"

Nagulat ako sa nagsalita. Pero kilala ko kung sino siya. Boses palang niya kilala ko na. At alam kong siya yun.

Siya pala talaga ang nagbigay ng suit na to. Tama nga ng kutob namin ni Ate... Hindi ko siya pinansin at lumingap lang ako sa kaliwa't kanan ko para makahanap ng taxi.

" Bakit uuwi ka na? Hindi pa tapos yung event? " Tanong niya ulit sakin pero this time nasa harapan ko na siya.

" Masama pakirdam ko." Sabi ko sakanya at nag iwas na ko ng tingin.

" Nagpaalam ka ba kay Colleen?"

" Hindi ko na kailangan magpaalam. Tapos na yung part ko. Kaya uuwi na ko at walang sinoman ang makakapigil sakin." Sabi ko sakanya.

Naiinis kasi ako sakanya dahil sa narinig ko kanina. Oo! Aaminin ko talaga na sinusubukan ko na ialis na yung pesteng nararamdaman ko sakanya pero, ang hirap e! At feeling ko... Hindi yun nabawasan.

" Bumalik ka don. Sasamahan kita." Sabi niya sakin saka ako hinawakan sa braso. Nagpumiglas naman ako.

" Sabi ng ayaw ko e!." Sigaw ko sakanya.

" Ano ba problema mo!? Hindi kita maintindihan e!." Sigaw niya sakin.

" Wala kang dapat intindihin! Wala kang dapat problemahin! Ang kailangan mo lang alam mo kung ano? Tigilan mo na ko. Iniiwasan na nga kita diba? Bakit ba lapit ka pa ng lapit!?."

" Dahil nga---"

" Mahal mo ko!. Kagaguhan mo!. Oo! Mahal kita. Pero hindi ko naman pinangarap na mahalin mo rin ako. Dahil alam kong sasaktan mo lang ako." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

" Alam mo, ang problema sayo. Napaka galing mong magtago. Kaya lahat kami naloko mo."

" Bakit? Kung sinabi ko ba agad sayo na mahal kita. Sasabihin mo rin ba na mahal mo ko? Hindi naman diba?"

" Akala ko ba hindi ka naghahangad na mahalin kita? E ano yung pesteng tanong mo!?"

" Peste? Pesteng pag ibig kamo!. Arthur. Araw araw, tuwing iniiwasan kita nasasaktan ako. Pero sabi ko.... Okay lang.. Kasi kung hindi ko gagawin to lalo ko lang sasaktan yung sarili ko kakaasa sayo. "

" Arn----"

" At isa pa!. Wala akong karapatan na mahalin mo dahil lalaki ako, at babae ang gusto mo. Ganun din naman ako e. Kaso..... Kahit anong paghahanap ko.... Mas matimbang pa rin yung pagtingin ko sayo. Noong sinabi mo na mahal mo ko? Totoo ba yun? " umiiyak na tanong ko. Pero hindi siya sumagot kaya natawa ko ng mahina.

" Ang sakit! Sobra. Buti di ako naniwala. Kasi.... Kung naniwala ako, hindi lang yung sarili ko yung sinaktan ko. Kung hindi lahat ng tao na nagmamahal sakin. "

" Arnold, oo. Niloko kita. Yung mga time na pinakita ko sayo na mahal kita, hindi totoo yun...." Paliwanag niya sakin pero hindi na ko nagulat dahil nga alam ko na yun.

Tiningnan ko lang siya saka pinakinggan pa sa mga sumunod na sinabi niya.

" kaya ko lang nagawa yun, kasi.... Sabi ko... Hindi mo naman malalaman e. Saka kung papayag ka, gagawa rin ako ng bagay na ikakagalit ko sayo para mawala yung pagtingin ko sayo na inaakala mong totoo.... Arnold alam mo naman na hindi pwede diba? Sorry."

" At nagbalak ka pang gaguhin ako? E di sana sinabi mo nalang sakin na.... Layuan mo ko, nakakadiri ka. O di kaya. Layuan mo ko, hindi kita mahal. Pero bakit ganun? Nahihirapan na nga ako, lalo mo pa kong papahirapan? " sabi ko saka niya ko niyakap.

" Sorry. sorry." Sabi niya pero pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap niya.

" Tigilan mo na ko. Layuan mo na ko, katulad ng paglayo ko. Tapos kalimutan na natin ang isa't isa. Bilang magkaibigan o bilang kung ano pa man. " sabi ko saka tumalikod pero may naalala ko. At gusto kong malaman yung totoong sagot niya.

" Noong araw na, sinama mo ko sa Date niyo ni Colleen. Yung hinalikan mo ko habang natutulog. Ano yun? Para rin ba saktan mo ko? Paglaruan mo? Sabihin mo? Kailangan ko yung sagot mo."

" may nagtulak lang sakin na gawin ko yun, pero walang ibig sabihin yun." Nakayukong sabi niya.

" Sabi mo e. Sana hindi kasinungalingan yun. Para kahit papaano, hindi ka naman mabuhay sa kasinungalingan. Mahirap mabuhay, ng puro sikreto ang laman ng isip mo, nang puso mo.At mas lalong Mahirap mamatay nang hindi mo nasabi kung ano ang gusto mong sabihin. Sorry. Kung minahal kita. Sorry kung.... Nasaktan kita. Kasi..... Yung nararamdaman mo. Nararamdaman ko rin. Doble pa." Sabi ko saka ako tumakbo

Hindi ko na siya narinig na tumawag pa sakin o sumunod man lang.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa isang poste at doon ako sumandal para umiyak ng umiyak.

Ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko akalain na makakaya kong sabihin sakanya yun ng harapan.

Pero... Masaya ko dahil naging matapang ako. At this time... I think.... to move on is the best way to release the pain

May humintong taxi kaya sumakay na ko.

Pagdating sa bahay ay uminom ako ng tubig dahil sa tuyong tuyo na yung lalamunan ko.

Nakakita naman ako ng Blade sa may altar kaya kinuha ko yun.

Kapag kaya namatay ako? Maraming iiyak?

Iiyak kaya si Arthur?

Mapapatawad kaya ako ng Tatay ko kung malamn niya na may iba akong kasarian na nararamdaman sa katawan ko?

Itinapat ko yung blade sa pulso ko. Pero hindi ko kaya. Kaya ang ginawa ko itinapon ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at saka ako nag iiyak.

Di ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Pero siguro dahil sa nasaktan ako kaya ako umiiyak.

Talagang napakasakit lalo na kapag nalaman mong mamahalin ka pala niya pero isang pagpapanggap lang tapos gagawa siya ng isang kalokohan para ikagalit niya sakin... Para ano?? Maging dahilan nang break up namin kung sakali.

Salamat nalang at hindi ko siya pinaniwalaan.

Isang tao lang talaga ang makakapitan ko ngayon. At si Ate yun.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko saka ako lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko ulit yung blade. Ewan ko, pero parang naakit niya ko kaya nilapitan ko siya ulit at kinuha.

" Maghiwa kaya ako. Pero hindi naman madiin? Hindi ko nan ikamamatay yun diba? Pampabawas sakit lang sa nararamdaman. Kasi diba? Kapag nasaktan mo yung sarili mo through this.. Makakalimutan mo yung sakit ng kalooban mo? Dahil ang mararamdaman mo ay yung sakit na dulot ng pagkakahi---" Naputol yung sinasabi ko sa sarili ko ng may biglang lumundag na pusang itim sa bintana.

" Haaaa!" Maikling sigaw ko pero may naramdaman akong mahapdi sa may pulso ko. Kaya tiningnan ko. Nakita ko na dumudugo yun at nahiwa ko yun.

Hindi ko alam kung bakit naidiin ko yun sa pagkakagulat ko dahil sa pusa pero ang kailangan kong gawin ay pigilan ang pagdudugo nun.

Pero....

Di ko na nakayanan at bumagsak nalang ako. At di ko na alam ang nangyari pa sakin.

......

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora