PART 27

24 4 0
                                    

NICHOLE POV

" Ano ba!! Bitawan mo sabi ko e!!" Sigaw ko habang nagmamatigas na makawala sa pagkakahawak sakin ng panget na to!.

" Hindi ka ba titigil!. " sigaw niya sakin. Tapos tinutukan niya ko ng baril. Kaya ang ginawa ko ay tumahimik na lang ako.

Napaka hayop ng lalaking to. Hindi ko makakalimutan yung mga ginawa mo sakin kagabi gago ka!.

Napaka gago mo!. Isinusumpa kita!.

" Cardo!!. Sumuko ka na! Napapaligiran ka namin!" Sigaw ng isang pulis.

" Ano ko! Gago!. Mga ulol!! Hahahaha" sabi niya saka pinaputukan yung tatlong pulis at natamaan niya lahat yun.

" Ano ba! Bitawan mo ko!" Sabi ko habang sakal sakal niya ko ng braso niya sa leeg ko.

" Tumigil ka sabi , lakad bilis!" Sabi niya at sapilitan akong kinaladkad maglakad.

Nagpatuloy lang kami sa pagtatago, gusto ko ng kumawala sa baliw na to pero hindi ko kaya. Masyado siyang malakas.

****Bang****

Napasigaw ako sa isang putok na yun at nakita ko na may isang pulis na naman ang napatumba ng gagong to.

" Ano ba!! Bitawan mo ko!" Sigaw ko ulit pero sinampal niya ko tapos sinakal na naman niya ko ng braso niya.

Sumunod lang ang mga paa ko kung saan niya ko dadalhin hanggang sa napunta kami sa isang lugar dito na maluwang din ang space tapos....

Tapos....

Tapos.....

Doon ako nabuhayan ng loob ulit dahil nakita ko si Albert na nakatayo doon.

" Albert! Tulungan mo ko!!" Sigaw ko. Pero lalo akong sinakal ng panget na to.

" Sabi ng tumigil ka e!. Ang kulit mo ha!. "

" Bitawan mo siya sabi!" Sigaw ni Albert.

" Ano ko?? Gago!? Niloloko mo na naman ako e! Ang usapan! Walang parak! Bakit may dala dala kang parak ha gago ka!." Galit na sigaw niya kay Albert.

" Para matapos na ang kahibangan mo!"

" E kung tapusin ko kaya ang buhay mo!!" Tapos nagulat ako ng itapat niya sa ulo ko yung baril.

" Wag mo kong barilin, maawa ka... Tumigil ka na sumuk---- Aahhh!!" Sabi ko pero naputol iyon at napalitan ng sigaw dahil sa idiniin niya yun sa ulo ko.

" Ano!? Hahahahaha... Ibaba mo yang baril mo! Kapag hindi mo yan binaba... Sasabog ang utak ng babaeng to!." Sigaw niya kay Albert.

Nakita ko naman na dahan dahan ibinaba ni Albert yung Baril na hawak niya.

" Ibigay mo sakin si Nichole. Sasama ko sayo. Handa akong mamatay... Wag lang siya."

Nang sabihin niya yun ay tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang naramdaman at naranasan na iligtas ako ng isang tao na handa niyang ibigay at isakripisyo ang buhay niya.

" Gago!! Hahahaha... Kung papatayin kita! Papatayin ko din tong babaeng to!" Sigaw niya tapos idiniin niya yung baril sa ulo ko ulit.

Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita ko si Jenna na may hawak na dos por dos.

Nakita niya ko kaya sumenyas siya na wag akong maingay.

Ano ba pinaplano niya?? Mapapahamak siya!.

" Alam mo, Tisoy..... Itinuring kitang kapatid! Pero gago ka pala!. Ang tagal tagal mo kong niloloko at tinatarantado!. "

" Dahil hindi ka naman dapat sambahin... Kung sila takot sayo... Ibahin mo ko!. Kaya nga tayo nakulong diba? Dahil sa kapalpakan mo!!" Sigaw ni Albert.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें