PART 3

42 7 0
                                    

YUMI POV

Ngayon nandito kami sa isang sosyal na restaurant.

Masaya ko dahil mas pinili niyang ako ang makasama niya imbis na yung mga mahihirap niyang kaibigan.

Ang lagay ba e makikipag plastikan pa ko sakanila.

No way!. At ayaw ko sa ambiance ng pamunuhay nila. Tama ng si Rafael nalang ang nakakalapit sakin na dukha.

Hindi naman sa nilalait ko siya. Pero mahal ko kasi siya kaya okay lang sakin kung mahirap siya.

" Ang dami mo namang inorder? Dalawa lang tayo."

" sinabi ko bang ubusin mo?" Sabi ko sakanya.

" Ahhmm.. I love you."

" tigilan mo ko, baka may makarinig pa sayo." Sabi ko sakanya.

Nakakahiya kasi diba?

" Sorry." Sabi niya sakin.

Puro sorry nalang ang sinasabi!.

Mukha kang tanga alam mo yun!.

Kumain lang kaming dalawa. walang nagsasalita samin. Hanggang sa natapos kami.

" Uuwi ka na? Ihatid na kita." Pagpiprisinta ko.

Awkward nga diba? Dahil babae pa maghahatid sakanya sa halip ako ang ihatid niya.

" Hindi na, may pupuntahan pa ko."

Hindi ko alam kung bakit nag init ang ulo ko sa narinig ko.

Don't tell me pupuntahan niya yung mga kaibigan niya.

" Saan ka pupunta?"

" kanila Cocoy, sabi ko naman sayo diba? Bday niya, bka kasi magtampo sakin."

" Pag pumunta ka doon. Sisiguraduhin ko sayong tapos na tayo." Sabi ko sakanya.

Maldita na kung maldita. Pero nilalayo ko lang siya sa mga mapanghusgang mata.

Paano kung malaman ng iba na ang boyfriend ko ay mahirap.

Sobrang nakakasira ng image ko yun.

" Pero.... Alam mo naman na bestfriend ko yung mga yun. Bihita na nga lang kaming magkasama sama e."

" E di sila gawin mong syota mo. Pagdikit dikitin niyo yang mga mukha niyo para hindi kayo magkahiwa hiwalay." Asar na sabi ko sakanya.

" Yumi, naman. Just once! Payagan mo naman ako"

" Sige pumunta ka, pero tandaan mo... Wala ka ng babalikan." Sabi ko saka sumakay ng kotse.
" Ano? sasakay ka ba o iiwanan na kita?" Tanong ko sakanya.

Alam kong napilitan lang siya, pero atleast ako ang pinili niya. At sobra kong masaya.

RAFAEL POV

Nang makarating kami sa apartment ko ay bumaba siya. Mamamahinga lang daw siya saglit.

Pero yung saglit niya ay umabot ng 5 oras.

Hindi na tuloy ako nakapunta sa bday ni Cocoy.

Magtatampo na naman ang mga to sakin.

Ang balak ko kasi ay pagumalis siya saka ako sisibat para pumunta sa bday. Pero mukhang alam niya yung plano ko kaya hindi siya umalis.

1am na siya nung umalis sa bahay.

At sigurado ko na tapos na yung bday ni Cocoy

Magpapalusot na naman ako...

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now