PART 6

21 4 0
                                    

ARNOLD POV

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Arthur ay pumunta ako agad sa Cottage naka charge kasi ang cellphone ko kaya kukunin ko lang tapos uuwi na ko.

" Saan ka pupunta, Bes? Bakit ka umiiyak?"

" Uuwi na ko." Sabi ko sakaniya habang tinatanggal yung cellphone ko sa pagkaka charge.

" bakit ba kasi? May problema ba? Nasaan si Arthur? "

" Hindi ako hanapan ng nawawalang tao." Sabi ko sakanya saka ako tumalikod. Hinabol naman niya ko saka nagtatanong.

" Ano ba problema mo? Kanina mo pa ko binabanatan ng pagiging pilosopo mo!."

" Kung ayaw mong mapilosopo kita. Stop asking me!." Sabi ko habang naglalakad.

" Pwexe mo namang ipagpabukas ang pag uwi mo. Saka, kung may problema ka. Sabihin mo... Sabay sabay natin,aayusin yan."

" Hindi na. Kaya ko mag isa."

" Yan,ang hirap sayo e!. Kalag galit ka, balewala sayo ang pagaalala ng mga taong nagmamahal sayo. Your'e always pushing them away!.. Kaya hindi ako magtataka sayo kung balang araw mawala kami sayo,,dahil pinagtatabuyan mo kami sa hindi namin alam na dahilan." Sabi niya kaya mapahinto ako

Umiiyak na ko kanina, pero lalo akong naiyak.

" Kaya nga may kaibigan na tinatawag diba? Para damayan ka. Hindi para ipagtabuyan mo. Kasi bukod sa pamilya, hindi ka niyan iiwanan. Pero ewan ko lang sayo.... Napakadali mo kaming iwan." Sabi niya sakin habang gumagaralgal ang boses dahil umiiyak siya.

Napalingon naman ako sakanya at nakita ko na nalatalikod na siya sakin.

" Colleen." Tawag ko sakanya na nagpahinto sa paglalakad niya. " Sorry." Usal ko kaya lumingon siya ulit sakin at tumakbo papunta sakin para yakapin ako.

Wala akong dapat sisihin!.

Hindi ko kailanganagalit sa bestfriend ko!.

Ako ang may kasalanan nito, kaya kailangan na ang sarili ko ang sisihin ko.

" Sorry. Sampalin mo ko kung gusto mo." Sabi ko.

" Para ka naman kasing timang e!. Daig mo pa yung babae... Ang drama drama mo!." Sabi niya habang magkayakap kami.

Ito nalang ang gagawin ko.

Iiwas ako sa mga posibleng maling mangyayari sa buhay ko.

Hindi ko itataya ang pagiging magkaibigan naming lahat.

Distansya!. Yun ang kailangan ko. Para makalimutan ko si Arthur.

Pipilitin ko ang sarili ko na wag kang mahalin.

Pipilitin ko na mawala ang pagmamahal ko sayo.

Alang alang sa kaibigan ko.

Kahit masakit!. Kakayanin ko.

Promise!.

Kinabukasan...

Nagising ako sa isang yakap.

" Colleen. Bakit?" Tanong ko kasi nakayakap siya sakin.

" Nag away kami ni Arthur. Ayaw kasi niyang sabihin kung napano yung kamao niya. Puro gasgas. Hindi ko alam kung sino yung sinuntok niya. Ayaw pang ipagamot sakin. Bahala nga siya! Malaki na siya." Kwento niya sakin.

Hindi ko alam kung bakit parang hinalukay ang utak ko at sinabi nito na puntahan ko.

" Ako nga ang kakausap. Saglit lang mag toothbrush lang ako " sabi ko saka ako dumiretso sa banyo.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon