PART 14

21 5 0
                                    

COLLEEN POV

Pinalabas kami ni Arthur sa loob ng kwarto ni Arnold.

Ayaw kong umalis dahil may masama akong pakiramdam. Hindi ko alam kung ako ko, basta alam kong masama yun. Masasaktan ako. At hindi ko kaya yun.

" Baka maguusap lang talaga." Bulong sakin ni Kyle. Kinuwento niya sakin lahat ng narinig niya nung gabing yun.

Oo!. Sinabi ko sakanya na narinig ko lahat mg pinagusapan nila ni Lloyd. Pero kinuwento pa rin niya. At sa kwento niyang yun. May kung ano sa loob ko ang naniniwala sakanya. Dakilang tsismoso kasi ang isang to. Kumpletong kumpleto pa nga yung kinuwento niya sakin...

" Ewan ko, may masama akong kutob."

" e sabi naman ni Arnold iiwas na siya." sabi sakin ni Kyle.

" Ano ba pinaguusapan niyo? Sali niyo ko" singit ni Kyle. Galing kasi siya sa labasan. May tumawag kasi sakanya at di ko kilala yun.

" Wag na. Di ka naman naniniwala sakin e." Sabi ni Kyle

" Pare, yan nanaman ba tayo? Mamaya may mapahamak na naman. Itigil niyong magkwento ng ganyan." Awat samin ni Lloyd saka umalis at pumunta doon sa kusina.

Tumahimik na ko, at bumuo ng mga kunklusyon sa isip ko.

Masasamang imahinasyon kung ano ang ginagawa nung dalawa.

Pag uusap lang kaya talaga yung gagawin nila?.

Haay!!.. Huminga ko ng malalim.

Lumabas naman si Lloyd galing kusina.

" Kakain na daw.. Pumunta na kayo doon tatawagin ko lang yung dalawa." Sabi niya saka tumalikod.

" Ako na. " sabi ko sakanya kaya tumango siya at niyaya si Kyle sa kusina.

Ewan ko. Pero habang lumalapit ako sa pintuan ng kwarto ni Arnold ay nanginginig ang tuhod ko...

Huminga muna ko ulit ng malalim saka ko hinawakan yung knob.

Iyiikot ko nalang yun para mabuksan pero ramdam ko sa sarili ko na nanlalamig ako at kinikilabutan....

" Kaya ko to. Ako lang ang nagpapakain sa sarili kong imahinasyon." Bulong ko sa sarili ko saka ako huninga ng malalim at iniikot ang knob.

Pero.....

Lakibg gulat ko ng makita ko silang dalawa na.....

Naghahalikan.

Napatakip ako sa bibig ko at agad agad tumulo yung luha ko.

Nakita ko ni Arnold kaya tinulak niya si Arthur.

" Colleen." Usal niya kaya tumingin sakin si Arthur..

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin. Napako ako sa kinatatayuan ko.

Nakita kong lumapit sakin si Arthur at gusto kong umalis para di niya ko maabutan pero hindi ko magawa.

Ang sakit!. Ang sakit!. Naramdaman kobg niyakap niya ko.

" Sorry. Sorry. Mali yung ibig mong....sabihin." Gumagaralgal na sabi niya. Pero tinulak ko siya.

" Mga Baboy!!!" Sigaw ko sakanilang dalawa. Nakita ko naman na tumayo si Arnold saka lalapit sakin.

" Bes... Hindi----"

" Wag mo kong lalapitan!. Dahil hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin sayo!." Putol ko sa sasabihin niya.

" Colleen, magpapaliwanag ako. " sabi ni Arthur habang pinapakalma ako pero hinahawi ko siya.

Naramdaman ko na naglabasan lahat ng tao sa kusina. Si Tita, Si Kyle, Si Kulit, Si Lloyd, Yung Ate niya, At si Tito.

" Pinilit kong wag paniwalain..... Yung... Sari... Sarili ko... Sa lahat ng sinabi sakin ni Kyle. Dahil akala ko... Mali siya.... Pero totoo pala. Ang baboy niyong dalawa!!" Sigaw ko sakanila kaya nagtanong na silang lahat kung ano yung sinasabi ko.

" Ano bang nangyayari, Iha?" Tanong sakin ni Tito. Pero tiningnan ko lang siya habang lumuluha ako.

Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang magsalita dahil sa sakit.

Ang sakit na makita yubg mahal ko at yung bestfriend ko..... Naghahalikan.

Napaupo ako sa sahig habang umiiyak at kinomport ako ni Kyle.

ARNOLD POV

" Ano kako!! Wala bang sasagot!" Sigaw ni Tatay habang si Colleen ay naka upo na sa sahig at ako naman ay nanginginig sa takot.

" Tay.... Wala."

" Anong wala!!. Bakit kasi hindi niyo pa aminin!. Na lahat ng nalaman ni Tito Renato sa ospital! Totoo!. Bakla ka! Bakla kayo parehas!." Sigaw ni Colleen sakin.

Na stuck na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinitigan lang ako ng Tatay ko at lumapit sakin si Ate.

" Umamin ka na. Bistado na yung sikreto mo." Umiiyak na sabi sakin ni Ate.

" Tay, magpapaliwanag ako." Sabi ko. Aaminin kong gusto kong manginig habang nagsasalita dahil sa takot pero nilakasan ko yung loob ko para di manginig

" Putang Ina mo!" Sabi ni Tatay saka ako pinagsasapak.

" Tito, Tama na po." Awat ni Arthur pero pati siya sinapak.

Nakita ko naman na inawat ni Nanay at Lloyd si Tatay. Pero hindi nila kaya dahil masyadong malakas.

" Isa ka pang demonyo ka!. Mga salot kayo!!!" Sigaw ni Tatay at unti unti siyang nanghina kaya napaupo siya. Umiyak siya habang nakasandal sa upuan.

" Ang sakit. Ang sakit!. Bakit nagawa niyo to? Arnold bestfriend kita diba? Hindi ko akalain na magagawa niyo to...." Sabi ni Colleen saka umiyak ng umiyak.

" Sorry.... Colleen, matagal ko ng mahal si Arthur. Pero..... Wala naman akong.... Wala naman akong karapatan diba? Kasi hindi kami pwede. Maniwala ka. Pinigilan ko. Lalo nung nalaman niya.... Pinigilan ko promise" sabi ko sakanya habang magkaharap kami pero nagulat ako sa sampal niya. Sobrang lakas.

" Hindi mo pinigilan. Dahil nilandi mo!. Daig mo pa yung bakla na ladlad. " sabi niya sakin saka tumayo at humarap kay Arthur.
"You deserve this!!" Sigaw niya saka niya sinampal si Arthur.

" Colleen, mageexplain ako. Makinig ka. Nagpapaalam na ko sakanya---"

" I don't need! And I don't care. Mabuti na to. Mas maaga.... Mas nakapaghanda ako. Atleast... Nalaman ko na.... Yung boyfriend ko hindi lang pala ko kayang palitan ng Babae. Kahit pala lalaki tataluhin." Sabi niya kaya tumayo ako

" Saglit lang. Ako talaga ang may kasalanan. Wag mong hiwalayan si Arthur. " pagmamakaawa ko.

" Hindi ako tanga. Hindi ako manhid. Ayaw ko na. Mahal kita Arthur, pero ayaw ko na." Sabi niya saka umalis.

" Colleen!! " tawag ni Arthur at hahabulin niya sana ng bigla siyang suntukin ulit ni Tatay.

Nagulat ako dahil napadugo niya yung nguso ni Arthur.

Babanat pa dapat siya pero humarang ako.

" Tama na!! Tama na!!... Tama na.... "

" Tang ina mo, Arnold. Isa lang hangad ko sayo. Isa lang!. Bakit hindi mo ko napagbigyan!." Sabi niya saka ako sinampal.

" Renato, sabi ng tama na e!!" Sigaw ni nanay at itinulak si Tatay.

" Hindi ko naman po ginusto to. Nilabanan ko po. Pero ito po talaga ata ako e. Pinipilit ko na... Umiwas, pero hindi ko kaya. Alam kong mali... Pero dito ko masaya." Sabi ko sakanya at nagulat ako ng bigla niya kong hinila at kiladkad.

....

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now