PART 25

12 4 1
                                    

ALBERT POV

" Okay po, Sir. Aalis na po kami ng Bulacan." Sabi ni Cruz habang kausap ang Chief nila.

" Ano sabi?" Tanong ni Pepay.

" Albert. Makipagtulungan ka samin ikaw ang gusto nilang makuha... Kapag nandun na kami na ang bahala sayo."

" Hindi ba kayo nakikinig?? Wala nga daw pulis diba!?" Sigaw ko. Kanina pa ko natataranta at kinakabahan sa pwedeng gawin ni Cardo sa kapatid ko lalo na kay Nichole. At kung may mangyari mang masama sakanila. Isa lang ang sisisihin ko....

" Yun nga!! Pero mainggat kaming kikilos para hindi niya alam. Basta makipagtulungan ka. "

" kahit hindi niyo sabihin... Kahit akong mag isa. Ililigtas ko sila." Sabi ko tapos nagulat kami ng may biglang dumating na tao.

Napatayo ako dahil si Aling Pasing yun.

" Nay!" Sigaw ni Pepay

" O? Ano ginagawa ninyo dito? Napasyal kayo?" Tanong niya samin habang nabibigatan sa mga dala niya.

" Napaaga po ata ang uwi ninyo? Akala ko po ba sa Miyerkules pa ang uwi niyo?" Tanong ulit ni Pepay

" E paano... Ang tita mo, okay na. E.. Naisip ko rin na wala ang kuya mo dito, tapos ikaw lang ang mag isa dito. Kaya umuwi na ko." Paliwanag niya saka tumingin samin.

" Aling Pasing may kailangan ako sa inyo." Pangunguna ko na nung tumingin siya sakin.

" Magsasanla ka ba? Bakit hindi mo nalang ako hinintay sa maynila. Nagsama ka pa ng kaibigan mo."

" Tutubusin ko na po sana yung passport. Tapos aalis na rin po kami." Sabi ko tapos tiningnan ko sila.

Tumango naman sila sakin.

Pagbalik ko ng tingin kay Aling Pasing ay nagulat ako sa nakita ko sa wallet niya.

Nanlaki ang mata ko at parang huminto ang mundo ko.

Bakit???

Bakit???

Bakit may litrato sila ni Tatay??

" O, eto yung passport. Wag mo ng ibigay yung pera. Sayo na yun tulong ko na yun sa inyo ng kapatid----"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at inagaw ko yung wallet niya na siyang kinagulat niya at ng mga nasa paligid namin.

" Bakit may litrato kayo ni Tatay?? Kaano ano mo siya?" Tanong ko sakanya pero umiwas lang siya ng tingin.

Hindi ko kasi alam na magkakilala sila dahil si Aling Pasing ay nakilala ko lang mula nung nagbinata ako. At nung natuto akong magnakaw.

Hindi kaya???? .....

Siya ang Nanay ko??

Nagunahang tumulo yung luha ko... Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako ngayon. Parang may malaking tinik ang binubunot ng kung sino sa puso ko at sa buong katawan ko.

" Aling Pasing?? Paliwanag mo? Naguguluhan ako!....." Umiiyak na sabi ko pero pinipigil kong wag mautal o magpakita ng kahit na anong hindi ikakaganda ng pagtatanong ko.

" Wala." Sabi miya saka kinuha yung wallet sakin.

Malakas talaga ang kutob kong tama ang hinala ko. Kailangan kong malaman.

Ilang taon na kong nakulong sa kawalan ng pagmamahal. Wag niyo naman sanang iparating pa sa habambuhay.

" Kayo ba Nanay ko? Kasi kung kayo yung Nanay ko.... Madami kong tanong? Aling Pasing kayo ba?" Tanong ko tapos nakita ko na tumulo yung luha niya.
" So kayo nga? Bakit? Bakit niyo kami iniwan ni Tatay? Bakit niyo ko pinabayaan?"

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now