PART 26

14 4 0
                                    

ALBERT POV

" Alam niyo na ang plano ha?. " tanong nung chief habang nandito kami sa may labas nung factory na tinutukoy ni Cardo kung saan kami pupunta.

Nakarating na kami ng maynila kagabi pa. Wala pa nga akong tulog dahil hindi ako mapakali. Tapos nung makarating kami ay sa stasyon na kami dumiretso para mapagusapan yung gagawin para madakip yung dalawa.

Wala sanang mangyaring masama sa kahit na sino. Lalo na sa kapatid ko at kay Nichole dahil kapag may nangyari sakanila.... Pinapangako ko talaga... Mapapatay kita Cardo.

" Albert.... Mag ingat ka ha." Sabi sakin ni Jenna. Pero tiningnan ko siya ng nakakalokong tingin.

" Salamat. Salamat sa paalala. Pero kapag may nangyaring masama sa kahit kanino sakanila. Kalimutan na natin ang isa't isa."

" Patawarin mo na ko." Sabi niya pero hindi ko siya sinagot at tinapik ko lang siya sa balikat niya.

Hindi pa ko handang makipag usap sayo Jenna, pasensya na.
Ipagdasal mo nalang na walang mangyari talaga.

Alam kong hindi mo to ginusto, pero sana naman sinabi mo agad para nakagawa plano.

" Sige na... Mag ingat ka. Nasa likod mo lang kami." Sabi ni Cruz saka ako naglakad patungo sa loob nung lumang factory na madalas naming pinagtataguan noon.

Tumingin pa ko sa likod ko at nakita ko na nandoon ang mga nagmamahal kay Nichole. Ang Ate at Pinsan niyang kagabi pa iyak ng iyak. Si Renz na nag aalala sa pwedeng mangyari. Si Jenna na nakatingin sakin na parang nagpapahiwatig na mag ingat ako at patawarin ko siya.

Pagkatapos ko silang tingnan ay humarap na ko saka ako magpatuloy maglakad. Marami akong nakikitang pulis na nakapalibot sa paligid, mga naghahanda sila sa maaaring mangyari.

Wag po sanang may mapahamak. Hindi baleng ako nalang, wag lang ang mga mahal ko.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makapasok ako sa loob.

Napakaluwang noon at napakaraming makinang bulok at sira sira.

" Cardo!!. Nandito na ko!. Nasaan kang hayop ka!!" Sigaw ko habang panay matyag sa paligid ko.

" Albert!!...." Tumatawang sabi niya habang naglalakad papalapit sakin.

" Nasaan ang kapatid ko at si Nichole."

" Sino kamo??? Di ko naman kilala ang mga yun e... Hahahaha" nang aasar na sabi niya.

" Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Nasaan sila!?" Sigaw ko.

" Wag kang mainit bata! Nagiging kulay pula ang balat mo e... Sayang ang pagkatisoy mo kung maleletson ka ng galit mo!! Hahahaha" pang aasar na nanaman niya.

Natingin ako sa gilid ko at nakita ko si Cruz saka si Renz na nagtatago.

Ano ginagawa nila?.. Baka mapahamak sila. Lalo na si Renz. Putcha naman oh!.

Anong plano ba sinasabi nila!? Ang magpahamak! Akala ko ba ayos na ang lahat. Sinisira nila yung plano!.

" Kris!!! Ilabas mo na nga yang mga yan!. Baka bumuga ng apoy ang batang ito." Sigaw ni Cardo kaya nabaling ang tingin ko sa gawi niya.

Agad agad ko namang nakita sila Nichole. Mga nakatali sila at mga bugbog sarado, lalo na ang kapatid ko.

" Putang ina mo, Cardo!!. Ano ginawa mo sa kapatid ko! Hayop ka!" Sigaw ko habang susugod sana kaso tinutukan niya ko ng baril kaya napaatras ako.

" Kuya!.. Tulungan mo kami!" Sabi ni Tj na mukhang siya ang nakatanggap ng pinaka maraming bugbog.

Walang malay si Nichole??

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon