PART 2

134 13 1
                                    

MAGGI POV

" Magz, salamat ulit sa sa pagsama mo sakin kagabi." Sabi ni Karen.

" e di..... uuwi ka ng Ilocos? "

" Oo nagpaalam na ko kay Manager, babalik din naman ako, saka off naman natin bukas diba?" Paliwanag niya.

Hindi na ko sumagot sakanya dahil may customer na oorder.

Inasikaso ko muna yung customer.

Parang gusto kong sumama, kaso...... Wag nalang. Ilalaan ko muna yung araw ko sa parents ko.

" Magz, samahan mo ko ulit mamaya. "

" Saan na naman?" Nagtatakang tanong ko.

Paano kagabi nagpasama na sakin kumuha ng pera sa A.T.M. tapos ngayon magpapasama na naman.

Hindi ko na nga naikwento yung paguwi ko dahil pagdating ko sa bahay, sa sala na ko nakatulog.

Buti ginising ako ni Nanay, at hindi ako nalate. Sabi ko naman sa inyo e. Di ako malelate.

Hahaha.

" Nagpaalam na nga ako, kaya bago magsara yung mall na to, aakyat tayo sa taas. Samahan mo ko bumili ng panregalo sa Tatay ko." Paliwanag niya.

Yun naman pala. Akala ko lalakad na naman ng pagkahabahaba.

" Kasama talaga ko sa pinagpaalam mo?" Tanong ko.

" Oo!. Wag ka ng magulo. " sabi niya.

" Hoy, kayong dalawa. Wag muna kayong magtsismisan. Paki dala to don sa table number 4." Sabi ni Izzy.

Tiningnan ko naman siya.

Tapos tiningnan niya din ako.

" ako na nga. Ikaw dito." Prisinta ko saka kinuha yung tray.

Busy din kasi yung iba pang mga waiters. Kaya hindi na ko nagtaka kung ipinasa niya sakin yung gawain na to.

Okay lang naman sakin dahil trabaho ko naman to.

Naglalad ako at pumunta sa table 4. Pagpunta ko dun...

" Here your orde------Ayyy!!!" Sigaw ko dahil tumayo yung babae at natabig ako, kaya nabuhusan kami parehas nung softdrinks.

" Shit!!!." Sigaw nung babae.

Ibinaba ko naman yung tray saka ko siya pinunasan.

Pero tinabig niya ko.

" Get off of me!!." Sigaw niya sakin..

Lintek pala, siya na may kasalanan ako pa sinigawan.

" Lauren, please... Nakakahiya. " sabi nung lalaking kasama niya.

" No, Henry!. Bahala ka sa buhay mo. " sabi niya saka kinuha yung spaghetti at itinapon sa mukha nung Henry.

" Wag mo kong susundan." Dagdag nung Lauren, saka ako tiningnan.

" Sorry po, Ma'am hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin kahit hindi ako ang may kasalanan.

Ganun naman kasi diba?? Customers always right.

Peri tinulak niya ko. Kaya natumba ko.

Ouch!!!....

Dumugo pa yung siko ko.

Shemay naman.

Nakita ko yung lalaki na kumilos, akala ko itatayo ako pero hindi naman. Hinakbangan lang ako.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now