PART 5

10 5 1
                                    

NICHOLE POV

Krinnnggg!!!! Krinnnggg!!!

Isang tunog na nagpagising sakin.

May telepono kasi sa kwarto ko ganun din sa sala ng bahay at sa kwarto ni Ate.

Ang dami no?

Yun ang gusto nila e. Di naman ako nagbabayad nun.

" Hello?" Pangungunang bati ko habang inaantok antok pa.

" Good news po, Miss Nichole. Nahuli na po si Boy Tisoy ...." Sabi nung kausap ko at di ko na pinatapos pa yung sasabihin niya at ibinaba ko na yung telepono at agad akong pumunta sa kwarto ni Sheen.

" Sheen..."

" Hfvmnvnm?"

" Gumising ka, samahan mo ko sa prisinto bilis!"

" Bukas na... Gabi na!!.." Sabi niya saka nagkulubong.

" Huh! Bahala ka nga!. Ako nalang mag isa." Sabi ko at agad akong bumalik sa kwarto ko at nagbihis ng medyo maayos ma damit. Nakapantulog na kasi ako. Nakakahiya naman diba kung pupunta ko dun ng naka pantulog ako.

Paglabas ko ng kwarto ko.

" Tara na, bilisan mo!. Magbago pa isip ko." Sabi niya sakin sa bumaba ng hagdan.

Aba!!.. Kanina ayaw.. Ngayon mas nauna pang magbihis sakin.

Excited!!??

Pagdating namin sa prisinto ay agad kaming nakipag usap doon sa pulis.

" Nasaan na?"

" This way po. Sumunod po kayo sakin." Sabi niya saka kami sumunod.

" Ang baho namam dito? Amoy kung ano?" Reklamo ni Sheen.

" Wag kang huminga para di mo maamoy." Sabi ko sakanya habang naglalakad kami.

" Dito po ma'am." Sabi nung pulis kaya sumilip ako.

" Sino po sa limang yan?" Tanong ni Sheen.

" Hoy Tisoy! Nagpakita ka nga!!" Sigaw nung pulis kaya tiningnan ko siya. Nagulat pa ko nung hinampas niya ng batuto yung rehas kaya tiningnan ko siya ng masama. " Sorry po."

" Bakit!? Papakawalan na ba ko?" Maangas na sabi nung Tisoy na yun.

" Hoy!!. Demonyong magnanakaw ka! Halang ang kaluluwa at walang puso!. Nasaan na yung ninakaw mo sakin!!? Ibalik mo!!? " sabi ko saka ko hinubad yung sapatos kong may takong saka ko siya tinuro gamit yun.

Nagtaas naman siya ng dalawang kamay na parang susuko.

" Ako??? Miss hindi ako yun. Baka nagkakamali ka lang. Alam mo na.... Gwapo e.. Baka napagkamalan lang " pang aasar niya sakin.

" Hoy!!. Hindi ako nakikipagbiruan sayo!!. Nasaan yung gamit ko!!" Sigaw ko saka siya binalibag nung sandals pero nakaiwas siya. " Ahh... Nakakaiwas ka pa talaga ha!!. Nasaan kako!!"

" Miss... Wala sakin. Baka iba yung nagnakaw sayo. Mamili ka nalang samin kung sino bili!!" Pangaasar niya tapos nagtawanan pa yung mga kasa niya.

" Wag mo na kasing pilitin. Hindi mo nakakausap yung mga ganyang mga tao. Adik ata ang mga yan e." Bulong ni Sheen.

" Hindi!!. Nakita ko na siya yun!!. "

" Miss.. Kahit lumuwa ang ngala ngala mo dyan. Wala kang makukuha sakin. Kaya kung ako sayo.... Pakawalan mo na kami.. " sabi niya sakin habang nakangiti.

Ngumiti din naman ako ng sarkastiko at parang nangaasar sakanya.

" Habang hindi mo ibinabalik sakin yung passport ko, iphone ko yung mga gamit ko... Mabubulok ka dyan!!" Sigaw ko sakanya saka ko ibinalibag ulit yung sandals ko at sapol siya sa noo niya.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now