PART 9

12 4 0
                                    

ALBERT POV

" Tisoy, may bisita ka. Sumama ka samin sa visiting area." Sabi sakin nung PO2 Cruz.

Sumama naman ako sakanya. Kilala ko na kung sino ang bibisita sakin.

Yung babaeng naghahanap ng passport.

Haay!!.

Pagdating namin sa visiting area ay nakita ko agad yung dalawang babae. Yung isa nga parang kinikilig pa.

Sakin ba siya kinikilig??

Pero napagtanto ko na hindi pala. Dito pala sa pulis na to. Ang landi lang ha!!.

" Magandang Tanghali. Ano maipaglilingkod ko." Pangunguna ko.

" Nakapag isip ka na ba? Ano yung sagot mo? "

" Sige tutulungan kita. Kaso.... Tago yung bahay ni Aling Pasing. Hindi madaling makikita. " sabi ko sakanya.

" Sasamahan mo kami "

" Naku, ma'am hindi pwede. Hindi pahihintulutan dito na palabasin ang isang bilanggo." Singgit nung pulis.

" Wag kang mag alala. Hindi ako tatakas. Posasan mo ko kung gusto mo. " sabi ko sakanya pero hindi ako nakatingin sakanya kung hindi sa mga kamay ko.

" Hindi talaga pwede. Kung gusto mo, ibigay mo samin yung instruction kami ang kukuha."

" Hindi kumakausap ng ibang tao yun maliban sa mga magsasanla sakanya. At isa pa.... Sa tingin niyo.. Ibibigay ni Aling Pasing sa inyo yung passport kung hindi naman kayo yung nagsanla nun. " sarkastikong sabi ko.

Tama naman ako diba? Tanga lang!? Di ginagamit ang isip.

Tsk. Tsk.

" he's right. " sabi nung babaeng maputi sa maarteng paraan.

" Sige sige. I will report that issue. Kapag pumayag... Ngayon pupunta tayo."

" Kasama ka?" Masiglang tanong nung babaeng maarte nga.

" Oo sasamahan ko kayo. Mahirap na... Baka pumuslit to." Sabi niya habang nakatingin sakin.

" Hindi nga kulit." Anggal ko. Saka ko naramdaman na umalis siya.

" Nga pala, Salamat. Kailangan ko lang kasi talaga yun.... Perp about dun sa kaso mo..... Tutu--"

" Hindi na kailangan. Okay lang sakin kahit di na ko makalaya. Wag mo na kong tulungan. " sabi ko sakanya.

" Hindi, marunong akong tumupad sa pangako. I will help you." Sabi niya sakin tapos nagulat ako ng parang may inaabot siya sakin. Kaya tiningnan ko.

" Ano yan?" Tanong ko.

" Nichole. Ikaw? Ano tunay mong pangalan?" Tanong niya sakin.

Aba!!. May balak pang makipagkilala sakin.

Hindi ko nga pinansin. Kaya napahiya siya. Bakit ko naman ibibigay pangalan ko. Hindi ako klase ng isang tao na agad agad nagpapakilala.

Wala nang nagsalita saming tatlo. Hanggang sa dumating yung pulis patola na yun.

Akala lung sinong gwapo sa costume niya. Muscles lang naman ang lamang niya.

" Pumayag na si Chief. Pero kailangan kasama ko." Sabi niya.

" Haay... Magiging masaya ang araw ko." Sabi nung babae.

" Salamat PO2 Cruz. " sabi nung Nichole daw. " Tara, Boy Tisoy?" Sabi nya sakin kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at sumama sakanila.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon