PART 24

16 3 1
                                    

JENNA POV

" Mukhang masaya sila oh. Kawawa ka naman. Hahaha" pang aasar sakin ni Kris.

" Haha.. Tanga ka kasi. Hahaha." Dagdag ni Cardo.

" Bakit ba ginagawa niyo to? Tigilan niyo na. Parang awa niyo na. May kasama kaming pulis at pwedeng mapatumba na niya kayo ngayon din."

" Yun ay kung maitutumba niya kami. Tandaan mo, Jenna... Kilala mo ko....hahahaha" nakakalokong sabi niya sakin saka sila tumawa parehas.

" Si Tj? Anong ginawa niyo sakanya? Sino yung sinaaabi niyong kasama niya?"

" Yung Girlfriend niya, tanga!" Sabi sakin ni Kris.

" Mag goodbye flying kiss ka na sa mahal mong masaya ngayon. Dahil mapapatay ko siya mamaya...." Sabi niya habang kitang kita ko ang malademonyong ngiti niya.
" Wag kang magkakamaling humingi ng tulong sa iba... Alam mo na ang mangyayari.. Hahaha. Tara na, Kris." Sabi niya tapos umalis na sila.

Kitang kita ko ang paglalakad nila palapit doon sa dalawa. Gusto kong lumakad pero hindi ko kayang umalis. Natatakot ako. Ayaw kong may mapahamak.

Tumulo nalang yung luha ko ng di ko namamalayan. Nakita ko si Pepay at Renz na nagkekwentuhan sa may Upuan tapos si Sheen at yung Pulis na naglalakad while holding hands pa.

Bahala na!! Gagawin ko yung tama.

Nagulat nalang ako nung tatakbo ako para puntahan yung iba kong kasama ay biglang may pumutok.

Putok ng baril yun.

Napatingin ako agad sa gawi nila Albert at nakita ko na nakikipag agawan siya ng baril, habang si Kris ay tinutukan ng baril si Nichole.

Napansin ko naman ang paggalaw nila Renz tapos tumulong silang dalawa nung pulis para mahuli yung dalawa at mailigtas sila Albert.

tumakbo ko sa gawi nila habang nag iisip kung ano ang pwede kong gawing tulong.

" My God!" Sigaw ni Sheen.

Nagsuntukan lang sila doon at nag agawan ng baril.

Si Cardo ay kaharap si Albert at yung pulis. Nasaan ba yung baril nung pulis na to at ayaw itutok kay Cardo.

" Ahhh.." Narinig kong sigaw sa gilid kaya tiningnan ko. Pagtingin ko akap akap na ni Kris si Nichole. Tapos si Renz....... tulog na.

" Nichole!! Shit!, bitawan mo ang pinsan ko!!"

Nakita kong susugod si Albert kay Cardo pero sinapak lang siya nito dahilan para matumba..

Nakita ko yung pulis na may kukuhanin sa ibaba pero hindi niya nakuha dahil tinutukan siya ng baril ni Cardo. Kaya ang ginawa niya ay tinaas niya yung kamay niya at umatras.

" Ano!!!??? Hahahahaha. Lumapit kayo at papatayin ko tong babaeng to!?" Sigaw ni Cardo. Nung inilapit ni Kris si Nichole sakanya.

" Tumigil ka na Cardo! Napakasama mo! Wala kang puso!" Naglalakas loob na sigaw ko.

" Hahahaha. Matagal ko ng alam yan mga tarantado! "

" Bitawan... Mo... Bitawan mo si Nichole. Parang awa mo na gago ka!" Nahihirapang sigaw ni Albert.

" Magkita nalang tayong dalawa. Dadalhin ko ang babaeng to sa warehouse. At may surpresa pa ko sayo... Hahahaha... Pero!! Ikaw lang! Walang ibang kasama! Pero kung gusto mong isama sila... Sige! Isama mo. Mas madami mas masaya!! Hahahaha!!!! Pero!! kapag may pulis! Timbog ang utak ng mga taong mahal mo.! Hahahaha"

" Gago ka!! nasaan ang kapatid ko!?" Sigaw ulit ni Albert.

" Hahahahaha.. Secret!!" Sabi niya sa paraang parang nang iinis at mukha talaga siyang demonyo.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Where stories live. Discover now