Chapter 31 [ The Queens Rule]

Start from the beginning
                                    

Celine...

"Ku-Kuya sorry na." Ngunit napaharap ako sa kanyang bigla ng marinig kong humikbi ito.

Sh*t!

Madali ko siyang nilapitan at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko.

"Shhh stop crying please." Pagpapatahan ko dito at gaya ng lagi nitong ginagawa ay mas nilakasan a nito ang iyak niya.

Yahh !!

"K-kasi kuya galit ka parin." Hagulgol pa nito sakin na ikinasapo ko nalang sa aking noo.

Nice, nice, nice...

Kung may pinaka mahirap patahanin sa mundo? Si Celine 'yun. Pero iyon ay kung hindi mo siya alam patahanin. Agad kong kinuha ang isang lollipop sa bag ko. Well, lagi akong may ganito kahit saan ako pumunta para magpatahan. Dahil ito ang nagpapatahan sa kapatid ko. And basically, pati kay Ethan.

"Here just stop crying young lady."

Inabot niya naman ito at sinubo. Habang may tumutulo paring luha sa mata niya. Kaya inupo ko siya sa kama ko at lumuhod ako sa tapat nito.

"Look, Kuya's not mad at you." Pagkukumbinsi ko dito pero nakayuko lang ito at nilalaro ang lollipop niya.

"Ano lang kasi..."

Argh.. nakakahiya! Ano sasabihin ko na nagseselos ako?! No way! tatawanan nanaman ako nitong batang 'to. At habang-buhay na niya 'yung ikakantyaw sakin.

Peron ng tignan ako sa mata ni Celine ay tuluyan ko ng isinawalang bahala ito.

"Nagseselos kasi si Kuya." Nahihiya kong tuloy sa sinasabi ko. Napapikit ako ng mariin dahil inaasahan kong magiingay si Celine at aasarin ako. Pero ikinagulat ko ng isang yakap ang natanggap ko mula dito.

Wh-what?

"Sorry kuya, I didn't mean to hurt you. Sorry po kung napag-selos kita. Hindi ko po talaga sinasadya." Mahigpit pa nitong yakap sakin.

Bagay na ikinatulo ng luha ko.

I am crying again. Yeah I'm crying...

"Pero kuya h'wag kang mag-alala. Kahit kailan ay hinding-hinding hindi kita ipagpapalit! Ikaw lang ang nag-iisa at pinaka-gwapo at pinaka-mabait kong kuya sa lahat lahat lahat!" Masayang paliwanag nito sakin. Pinunasan ko naman kaagad ang luha ko ng tanggalin na nito ang pagkakayakap sakin.

"Pero sa usapang mabait. Medyo slight lang. Medyo masungit ka rin tapos moody." Tawa nito. " Pero madalas masungit. Pero medyo lang talaga."

Halakhak pa nitong pahabol. Napangiti naman ako dito at ginulo nalang ang buhok niya.

"Batang 'to talaga. Oh siya dito ka na matulog papatulugin na kita." Ngiti ko kay Celine. At masaya naman itong humiga sa kama ko.

Hinaplos-haplos ko lang ang buhok nito hanggang makatulog siya.

Your wonderful and joyful personality really changed me. You are like an angel of this house that gives life to it. At hindi ko alam kung ano ako ngayon, kung wala ka bunso. That's why I am always protecting you. Dahil alam kong ako nalang ang may kakayahang makagawa noon.

Hindi na ako aasa kay Edward, kay Daddy. Hindi ko alam kung bakit ka pa nakakangiti sa kabila ng napagdaanan natin. Sa kabila ng pagkawala ni Mom. Pero masaya ako, masaya ako dahil kahit na papano ay nakakaya mong harapin ng nakangiti itong mundong kinamulatan natin. At kung bibigyan ako ng kahilingan? Hihilingin ko nalang na sana ay hindi ka nalang sa ganitong pamilya namulat.

Hihilingin ko nalang na sana sa masaya at buong pamilya ka nalang inisilang. 'Yung pamilyang masaya, kahit hindi ganto karangya pero masaya. At kung bibigyan ako ng pag-kakataong mabigay sayo ang bagay na iyun ay gagawin ko. Kahit kapalit pa nun ay ang pagkawala mo sa tabi ko.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now