Ngumiti ako at nayakap ko bigla ang doktor.



"Thank you dok. Thank you." Paulit ulit kong sinabi.




Tinapik ng doktor ang balikat ko."Your wife is strong. Dont thanked me Mr. Rueva. Its God's gave a miracle to you." Sabi nito at umalis.




Natuwa ako sa balitang yun kaya paulit ulit akong nagpasalamat sa panginoon.



End of flashback.



Ilang weeks nagstay si Gabbi at baby Sunshine sa ospital. Dalawang araw bago nagising si Gabbie at mabilis ang naging pagrecover niya. Ganun din sa baby namin. Kaya lubos lubos akong nagpasalamat sa Diyos dahil sa milagrong binigay niya. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin ako. Everyday when i woke up, i silently thanked God for giving us a miracle. Now i know, that miracle really do exist.



Tinanaw ko ang anak kong cute na cute sa school uniform nito. Sa paglipas ng taon ay mas naging matatag kami ni Gabbie. Syempre, nanjan na si Shine sa buhay namin eh.




"Daddy.." napangiwi ako sa lakas ng boses ng anak ko.



"What's up sweetie." Ngumiti ako sa kanya at binuhat siya."How's school?" Tanong ko.



She's a four years old at kapapasok lang niya sa day care. Kasama niya si Athena na anak ni Geo at Arienne.



"Its not good. Ryuk is there and i dont want to see him."



Napangisi ako. Hindi ko alam kung bakit galit ito kay Ryuk. Ryuk Andrei Lagdameo. Ang anak ni Ash. Magkaaway ang dalawa. Laging nagbabangayan.




"Nag away na naman kayo?" Tanong ko habang isinasakay siya sa sasakyan.


Tumango ito."He stole my pencil so i kick him." Nagpout pa ito.



Napatawa ako. Mukhang alam ko na kung sino ang makakatuluyan ng anak ko. Though mas gusto ko si Raven Ezikiel na anak ni Jon dahil mas gwapo yun katulad ko ay hindi ko naman mapipigilan kung sino ang magustuhan ng anak ko.



Nagdrive na ako pauwi ng bahay. Salita ng salita si Shine habang pauwi kami. Meron pang kumakanta siya ng 'all of me'.. san kaya natutunan ng anak ko yun?



Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ng napakaganda kong asawa. Niyakap nito ang anak namin at hinalikan. Ako naman ay lumapit at nakiyakap.



"Athena's here sweetie. Kasama niya si Ryuk at Raven." Sabi ni Gabbie kay Shine.



Agad namang tumakbo si Shine sa living room kung san nanduon sina Athena.



Napangiti ako ng halikan ako ni Gabbie at niyakap. Hay, ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung pagod ko sa trabaho ay biglang nawala.



"Grabe ang ganda talaga ng anak ko. Pero ang sungit kaya paniguradong walang magkakagusto sa kanya." Sabi ni Geo habang nakatingin kay Athena na umiirap kay Ryuk.




Tumawa kaming tatlo nina Jon at Ash. Nandito kami sa sala nakaupo habang yung mga asawa namin ay nanduon sa kusina.



"Tignan mo naman anak ko, mukhang mahahawaan pa ng kaartehan sa anak mo." Biro ko kay Geo.



Tumawa si ito."Ewan ko ba kung san nagmana yan. Mukhang may hindi pa ako nadidiscover na ugali ng asawa ko ah."



Nagtawanan kami habang nakatingin sa mga anak naming nag aaway away na. Hindi pala, si Ryuk lang ang inaaway nila Shine at Athena. Si Raven? Dedma lang.



"Yang anak mo, Jon. Gwapo sana eh.. pero ang weird minsan." Sabi ni Ash.



Humagalpak ng tawa si Jon. "Mana kay Keah."



Saktao namang lumabas si Cristine sa kusina at narinig ang sinabi ni Jon.



"Sayo yan nagmana no. Parehas kayong abnormal." Sabi nito at binatukan ang asawa.



Tumawa kami ng magpout si Jon na parang bata. "Hey big boy, inaaway na naman ako ng monster.." sumbong nito kay Raven.




Tumingin si Raven kay Jon at kapagkuwan ay tinignan si Cristine. Gusto kong matawa ng awkward na ngumiti si Cristine at kumaway pa sa anak.




"Stop it, Mommy. Gusto mo bang ipagpalit ka ni Daddy." Sabi ni Raven na nakapagpahagalpak sa amin ng tawa. Ang lakas ng tawa ni Jon sa sinabi ng anak.



"See? Kampi sa akin ang anak natin." pang asar pa nito kay Cristine.



Pinukpok lang siya nito sa ulo at umupo na sa tabi nito. Lumabas na din yung tatlong babae sa kusina at lumapit sa amin. Nilapag ni Gabbie ang pinggan na may lamang pagkain bago umupo sa tabi ko. Ganun din sina Arienne at Ania bago tumabi sa kani kanilang mga asawa.



Nagsimula ulit kaming magkwentuhan. Tawa kami ng tawa sa pang aasar ni Jon kay Cristine tungkol sa kawalan nito ng alam sa pagluluto. Kahit daw sa paglalaba ay hindi maaasahan. Pero alam ko na kahit ganun, mahal pa rin nito ang asawa.




Tinignan ko ang mga kaibigan kong nakayakap sa mga asawa nila. Sweet na sweet at mukhang mahal ang isat isa.



Napatingin ako kay Gabbie ng yumakap ito sa akin. Nakangiti siya habang nakatingin sa anak namin. Ngumiti ako at hinalikan siya s ulo.




I am happy. Ang makita na kumpleto ang pamilya ko at masaya ay nakakataba ng puso. Wala na akong mahihiling pa. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang patuloy na magpasalamat sa Diyos sa kanyang biyaya. At magpatuloy sa buhay na masaya at punong puno ng pag asa.






The End..








Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now