[TBP] ENTRY#55: Quiet Things That No One Ever Know

2.6K 45 31
                                    

Lucien’s POV

Mahigit dalawang linggo na mula ng makabalik kami galing Baguio at mula noon naging masugid si Dark sa panliligaw sa kin. Nagpaalam pa nga siya sa mga kuya ko, si kuya Blaine pumayag pero si kuya Axel sinabi lang na sana maging masaya ako sa desisyon ko. Pero payag na rin naman siya nun hindi ba?

Hindi ko masasabing nagbago na si Dark kasi ganun pa rin siya, lagi akong sinisigawan pero ayos lang yun sanay na ko sa kanya.

“Noona, kailan mo ba kasi sasagutin si Dark?” tanong sa kin ni Kione habang magkasama kaming papunta ng cafeteria.

Ngumiti ako. “Darating din yun Kione.”

“Darating? Eh kailan nga? Diba may kasabihan na relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw.”

Tumango ako. “Oo pero syempre bago mo sagutin kailangan kilalang kilala mo muna yung nanliligaw sayo, dapat sa panliligaw pa lang nakikitaan mo na siya ng effort at sigurado mo na seryoso siya sayo para sa ganun mas tumagal kayo kapag sinagot mo na siya. Meron kasing iba na di pa sila sigurado dun  sa taong nanliligaw sa kanila sinasagot na nila agad, anong resulta? Hindi rin sila nagtatagal diba.”

“Grabe ka naman noona, asawa na ata hinahanap mo hindi boyfriend eh!”

Natawa ako. “Ano bang mali sa sinabi ko? totoo naman yun eh!”

“Oh sige na nga, diyan ka masaya eh---oh teka si Skye at Anwar yun diba?” tinuro sa kin ni Kione si Skye na hila-hila si Anwar. (‘o’) anong meron sa kanila? “Kalangitan!” tawag ni Kione kay Skye na agad namang napalingon.

Nagulat pa ata sila ng makita kami kaya agad binitawan ni Skye ang kamay ni Anwar.

“Hi Lucien at Kione!” nakangiting bati samin ni Anwar.

“Anong meron?” tanong ko sa kanila. Di na ko naiilang ngayon kay Anwar.

“Ah ano kasi Lulu---“

“Sabi ni Skye samahan ko raw siya sa bumili ng string ng gitara niya.”-Anwar.

“Anong samahan? Pakielamera ka kasi! Hindi ka naman maalam pinakialaman mo pa naputol tuloy yung tatlo wagas ka kasing maka-strum! Kaya ikaw ang bibili ng bagong string!” inis na saad ni Skye.

“Ay ganun pala yun? haha okay lang yun, ganun pa rin naman magkasama tayo.” –Anwar.

Magkaka-debelopan na ata tong dalawang to. Pero okay lang yun para naman kay Skye ^___^

“Bakit naman kasi may dala kang gitara dito sa school Skye?” tanong ko uli.

Napakamot siya sa ulo. “Ah Lulu ano kasi…”

“Sumali siya ng banda!” –Anwar.

O.o

“S-Sumali ka ng banda Skye?” tanong ko uli.

“Hala Kalangitan totoo pala yung sinabi mo sa kin na yun?” –Kione.

Tumango siya.

“Oo, malapit na nga sila mag-debut eh!” –Anwar.

Bakit hindi ko alam yun?

Mataman kong tinitigan si Skye. “So ibig sabihin magiging sikat ka na Skye?”

“Ha? Hindi naman sa ganun Lulu!”

Ngumiti ako. “I-pursue mo lang yan susuportahan ka namin!”

Ngumiti lang din siya.

“Oh sige, mauuna na kami sa inyo sa cafeteria, nandun na rin kasi sina Dark kayo san kayo kakain?” –Ako.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Where stories live. Discover now