[TBP] ENTRY #2: The Craziest Morning Ever!!

5.5K 121 12
                                    

Dark’s POV

Boring tsk…

Discuss ng discuss yung teacher namin, 1 hour lang naman ang klase niya pero bakit parang ang tagal. Makatulog na nga lang uli. Papasa pa din naman ako kahit di ako makinig diyan eh.

“GOOOOOOOOOODMORNING Ms. Remi!!!!”

Napatayo ako ng di oras ng marinig ang pagbati ng mga kaklase ko. Pakshet naman oh, bakit kaya andito tong ate ko? ( >__< ) tsk. Istorbo sa tulog. Nang makaupo uli, nakita kong may kasama si ate. Transferee panigurado. Tiningnan ko yung babae, oo babae siya… m-may kahawig?

“Goodmorning 4-A, may bago kayong kaklase… here she is, be nice to her okay?” ngiting-ngiting sabi ng ate ko. Saya niya ah? Baka dahil may dagdag na naman sa kita ng school dahil may transferee... nagsimula na rin ang mga bulung-bulungan…

“New student? Sali natin siya sa grupo natin girls!”

“She’s pretty no?”

“Duhh... I’m prettier naman no...”

“I don’t like her...”

“Chicks pre!”

“Introduce yourself naman diyan!” rinig kong sigaw ni Skye. Interesado rin ata dun sa babae.

Ngumiti yung babae, muka siyang pamilyar talaga…

“I’m Hemera Lucien Mendez… nice to meet you  all..” sabi nung babae.

Pamilyar talaga siya eh..

“Ikaw si running girl!” sigaw ni Skye.

Ah..

Ah?

Mahabang buhok, may white ribbon…

>.<

Yung walangyang babae! Tsk. Kaya pala pamilyar! Yung walangyang bumangga samin kanina. Kahit di ko siya ganung namukhaan tanda kong siya dahil sa mahabang buhok niya tapos may white ribbon pa kaya andaling tandaan! Transferee pala to.  Maya maya pa bigla akong tinuro ni Reminisce, tapos palapit sila ng palapit sakin or should I say sa tabing upuan ko dito sa last row.

“Dito ka na umupo sa tabi ni Darky...” sabi ni Reminisce.

Nagulat ako. “NO! WALANG UUPO SA TABI KO!” sigaw ko na halos ikinatigil ng buong klase.

“Pero Darky…  wala ng may available sit..”-Reminisce.

Tinuro ko yung upuan sa tabi ni Daren. “AYUN DUN MO SIYA PAUPUIN WAG DITO!”

Pinandilatan ako ni Reminisce. “Ako ang principal dito kaya ako ang masusunod! Lucien, dito ka uupo okay?”

“Aah… Ms. Remi mukha pong ayaw niya eh...” sabi nung walangyang babae.

“Hindi ah! In fact GUSTONG GUSTO ng kapatid ko na katabi ka…. diba Darky?” talagang pinagduldulan yung salitang gusto Tsk!

“Ate! A-YO-KO kapag sinabi kong ayoko, AYOKO!!” Sigaw ko hinding hindi ako papayayag.

Lucien’s POV

Natatakot ako dito kay Darky. Lalo na nung sumigaw siya kanina. Parang lagi siyang nababalutan ng black aura. Tapos lahat ng kakalaban sa kanya kakainin niya kyaaaah!!  ( “----“ ) katakot. Bakit kaya dito pa ko gustong ipatabi ni Ms. Remi, kapatid niya pa pala to. Hindi ko tinanong pero base na din sa usapan at tawagan nila edi magkapatid nga sila…

“Ate! A-YO-KO kapag sinabi kong ayoko, AYOKO!!”

Ayaw na ayaw talaga akong katabi ni Darky. Bakit kaya? Mukha ba kong palaka? Eh paano pa siya mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa! Sasabihin ko sana kay Ms. Remi na sa iba na lang niya ko paupuin kaya lang nagulat ako nang bigla niyang hilain ung kuwelyo ni Darky.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant